058

122 17 0
                                    

nakangiti akong naghahalukat ng masusuot ko dahil sa kadahilanan na excited sa date..hanggang sa makita ko ang isang dress na kulay maroon..mahaba ito sa akin at hindi gaano ka hapit sa katawan..minsan ko lang ito nasuot ng mag birthday ang pinsan ko

isinampay ko ito sa likod ng pinto ng kwarto ko at pinagmasdan..at ng marinig kong magtunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito

tinignan ko ang screen nito at may 1 message mula kay kenneth,napangiti ako ng makita ang pangalan nya,kaya binuksan ko ito at binasa

KENNETH

Belly magkita tayo 8:00pm sa SBC building ahh,hihintayin kita:)
Send 6:50pm

huh sa sbc na..pero sabi nya sa restaurant..pero okay na yun atleast hindi na ako maggagastos sa pamasahe..medyo malayo layo rin naman ang korean restaurant na pinuntahan namin nun

hinanda ko na lahat ng dadalhin ko..cellphone saka maliit na purse na may pera para sa pang pamasahe sa jeep..ang pangit kasing tignan kung nakadress ka tapos mag babag pack ka

nag simula na akong mag ayos ng sarili ko..naligo na ako at nakapag bihis na ng dress na isusuot ko at salamat dahil saktong sakto parin ito sa akin..nag pony tail ako saka na nag light make up ayaw ko ng masyadong makapal dahil di babagay sa akin..magmumukha akong bakla

ng matapos sa pag aayos ng sarili ay saka naman isinuot ang sandals na hindi gaano kataas na kulay itim at ng masuot ay tinignan ang repleksyon sa salamin at pak ganda ng lola nyo,umupo muna ako sa gilid ng kama at itinext si ally

ALLY PUPOT

ally may date kami ni kenneth.kaw na muna bahala sa bahay ko.pakitignan tignan nalng
Sent 7:36pm

hindi ko na hinintay ang pag sagot ni ally sa text ko at saka ko naman tinext si kenneth na on the way na ako..hinintay ko sya mag text back ngunit wala akong nakitang text message nya kaya hinyaan ko nalang..inilagay ko na sa purse ko ang cp at saka na tumayo at pinatay lahat ng ilaw sa loob ng bahay at saka na lumabas at inilock ang pinto

"ganda ni ate beva ahh,san punta natin?."tanong ni aling joan na may dalang walis tingting,tiyak na katatapos lang nito mag linis ng bakuran nya

"ahh may date po aling joan."nakangiting sambit ko kay aling joan

"ahh osya ingat."nakangiting sambit ni aling joan na sya ko ring ginawa at saka na umalis

ng makalabas nasa kalye ay saktong may padating na trike kaya naman tinawag ko ito at sya naman paghinto sa harapan ko at saka na ako sumakay

"sa terminal po."sambit ko at saka na pinaandar ng tricycle driver ang trike nya..

at ng makarating sa terminal ng jeep ay saka naman na ako nagbayad at naglakad na ako papunta sa jeep na papaalis na..hindi pa naman ako nakasakay ay may matandang nagsisigaw sigaw malapit sa akin kaya nilingon ko ito

"IKAW!!mag iingat ka!!dadanak ang luha.may mangyayaring masama isa sa mga kakilala mo,maging handa ka,may taong galit na galit sayo WAHAHAHA."sambit ng matanda habang nakatingin ito sa akin

kinabahan ako sa mga sinabi nya at may kasamang takot

"Mama tama na."pagaawat ng lalake,pagpasensyahan nyo po ate nakainom lang kasi sya."pag hihingi ng paumanhin ng lalakeng kasama ng matanda na pag kakaalaman kong mama nya..tinawag nya kasi itong Mama

ngumiti naman na ako sa lalake at pinagmasdan silang maglakad at ganun parin ang matandang babae nag sisigaw sigaw parin..umiling nalang ako saka na dumeretso sa paglalakad papunta sa jeep.ng makarating ay nagbayad na ako sa barter ng pamasahe

"ganun talaga ang babaeng yun kapag nainom sya..hayaan mo nalang sinabi nya ineng."sambit ng nagbabarter sa akin

"okay po."nakangiting tugon ko saka na ako pumasok sa loob ng jeep at di nagtagal ay umandar na ang jeep saka na umalis

pumara na ako at saka na bumaba ng jeep.nagsimula na akong maglakad papunta sa SBC building gaya ng sinabi ni kenneth sa text nyan,ng makarating ako sa building ay walang kenneth na nakatayo.kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na

"7:50pm."sambit ko ng makita ang oras,maaga papala ako ng kaonti.okay lang hihintayin ko nalang sya dito.saka inilagay sa purse ang cp

sarado na ang sbc building at ang nag iisang gaurd lang ngayon ang nandito para magbantay sa buong building ngunit parang wala yata sya sa pwesto nya..baka nagiikot ikot ang gaurd,nanatili lang akong nakatayo sa harap ng building at naglilingon lingon.ng may makita akong lalaking parang tingin ng tingin sa purse na hawak ko..

alam ko maganda itong purse nato pero 250 ko lang ito nabili..tinignan ko ang purse ko..pera lang at cp ang laman neto,baka manakawan pa ako..kaya kinuha ko ang cp ko at saka ako tumalikod at isinipit ko ang cp sa gilid ng katawan ko,sinubukan kong gumalaw galaw baka kasi malaglag ngunit safe ito sa katawan ko,at ng makumpirma ko ito ng maayos ay saka na ako humarap at ngayon ay

may apat na lalaki na naka takip ang mukha ang nasa harapan ko,nakita ko ang pagngisi nila sa akin,natakot ako...kaya tumakbo ako papaalis sa kanila pero nahuli padin nila ako.at hinawakan ang braso ng dalawang lalaki

"bitawan nyo ko!."pang pupumiglas ko pero ang higpit ng pagkakahawak ng dalawa sa akin at ramdam ko ang pagkabaon ng kanilang kuko

"sino ba kayo?!anong kailangan nyo sa akin?."sambit ko habang naglulumipasag dahil dinadala nila ako sa isang van,hindi sila kumikibo

"ano ba!bitawa-."naputol ang sinasabi ko ng bigla akong sikmuraan ng isa sa mga lalaki

ng hina ako..ang sakit ramdam ko ang sakit sa buong katawan ko

"manahimik ka nalang kung ayaw mong masaktan."sambit ng lalaki na nanikmura sa akin

"Tul-."pagsisigaw ko ng takpan nya ng panyo ang aking mukha, bigla akong nahilo at parang bumibigat ang talukap ng aking mata

ano ito?natatakot ako..tulungan nyoko..

"tulong."tanging bulong ko hanggang sa naipikit ko na ang aking mga mata,naramdaman ko nalang na parang may nagbuhat sa akin

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon