013

235 33 0
                                    

                         -013-
                      "MODEL"

nag out na nga sya, at heto ako nakatulala at nag iisip kung sisiputin koba sya  bukas o hindi, baka kasi sindikato yun eh nakakatakot na baka may gawing masama sa akin yun as if naman na may gagawin sa akin yun basta bukas ko nalang pag isipan,

"Tulog na tayo belly inaantok nako eh."sambit ni ally sa akin, pumasok na pala sya sa kwarto ko ng hindi ko namamalayan.

"Sige, may trabaho pa tayo bukas."tugon ko tsaka nako nahiga sa kama ko, si ally naman ay naglatag na sa sahig doon sya pupwesto para matulog

Pinatay na nya ang ilaw at nahiga tsaka na kami natulog
goodnight sayo Ally at kay Kenneth tsaka kay Sir Samuel tsaka sa Inang at Itang at sa marami pang iba:)

KENNETH POV

Nandito ngayon ako sa gilid ng daan kung saan dumadaan ang mga sasakyan tulad ng jeep, hinihintay yung manager ko na sunduin ako para sa pictorial ko ng mga bagong damit na ine-endorse sa akin, nang-galing kasi ako sa sebastian company para gawing model nila ng perfume nila, pinaalis ko yung driver ko ng makapunta ako sa SBC(sebastian company), at yung mga gaurd ko naman ay tinakasan ko, famous model kasi ako no kaya may manager at gaurd akong kasama, naramdaman ko nalang na nagvibrate ang cp ko

[Kenneth naman bumalik ka sa building ng SBC at dun mo nalang ako hintayin, kapag may nakakitang fan mo na nandyan ka, naku pagkakaguluhan ka dyan at bakit mo kasi pinaalis ang driver mo tinakasan mo pa mga body guard mo ah naku Kenneth-] si Molly-manager ko

Pinatay ko nalang ang tawag sakit sa tenga yung mga pinagsasabi nya,tsaka wala namang masyadong tao,

bilisan nalang kaya nila ang pagdadrive ng masundo nila ako dito no tsss

Habang naghihintay ay may isang babae ang malapit sa tabi ko at kumakain, medyo may katabaan at parang papauwi na siguro sya ,tumitingin tingin ako sa kanya dahil ang cute ng kamay n'ya, parang kamay ng baby na mataba, maliit kasi ang mga daliri n'ya at ang cute tignan at nahuli nya akong nakatitig sa kanya

"Napapansin ko kuya, kanina kapa tingin ng tingin sa akin ah,oo na mataba na ako, pangit ako."sambit nito sa akin habang malapit sa bunganga nya ang kinakain nya

Di yata nya kilala ang kausap nya, isang famous model yata to ah, baka di uso social media sa kaniya

"Ahhhh hehe hindi kanaman mataba ah sakto lang no tsaka ang ganda rin kaya ng mukha mo kaso madaming pimple no."Tugon ko sa kanya

"Tsss."tanging sambit nya at iniripan ako

INIRAPAN AKO?! OMAY DI NYA BA TALAGA AKO KILALA, UY BABAE ISANG AKONG FAMOUS MODEL? MODEL AKO...MODEL..


"Ahhh miss hello pwede bang malaman ang pangalan mo."pagtatanong ko sa kanya

At dahil nacucurious ako sa kanya, sinubukan kong tanungin ang pangalan nya at istalk kung may social media ba s'ya

"At bakit para ipakidnap at ipaletson naku kuya wag kang ano dyan dadaganan kita."sabi nito sa akin

huh ako ipapakidnap sya HAHAHAH, di nya talaga ako kilala hahhaha Sa gwapo kong ito nakow HAHAHAHAHAH

"Hahaha hindi no bat naman kita ipapakidnap ah, mukha ba akong singdikato?, tsaka bawal bang malaman ang pangalan ng binibining kaharap ko."sabi ko tsaka ko sya ningitian

killer smile yata ito, sa isang ngiti ko palang, ma-iinlove kana

"Tsss oo bawal, lalo na sayo."sambit nito tsaka nya ulit ako inirapan at tumingin na sa mga dumadaang sasakyan

Pakipot ho siya hahahah, autograph ayaw ba nya? maraming babae ang gusto na makausap ako at itong babae lang ang gusto kong makausap at makakulitan ah, ito ang gusto ko yung hindi ako kilala hahaha, pero iniisip ko parin kung bakit nya ako di kilala

"Napakasungit naman po pala, sige na ano nga bang pangalan mo nais ko lang naman malaman, tsaka promise wala akong masamang intensyon sayo."nakangiting sabi ko sa kanya,

napaka tagalog ko naman

"Sige na...ano bang pangalan mo?."pangungulit ko sa kanya

gusto yata n'yang pilitin ko s'ya ah

"Ewan ko sayo."mataray na sambit nito tsaka sya lumayo sa akin

pakipot gusto nya yata ako ang mag habol, sabagay di nya pala ako kakilala hehe BAKIT BA KASI DI NYA AKO KILALA, GUSTO KO PA NAMAN SYANG BIGYAN NG AUTOGRAPH, kaso baka sabihin nya na, manloloko ako

"ang gandang pangalan EWAN KO SAYO."pamimilosopong sambit ko tsaka lumapit sa kanya

"EWAN KO SAYO ako nga pala si kenneth."pagpapakilala ko at inilahad ang kamay para mag shake hands kami

"Tssss, tigil tigilan mo nga ako."sambit nya sa akin at tumingin sya mga dumadaang sasakyan

"Di mo ba ako nakilala ah, o nakikita man lang sa fb mo, sa twitter sa tv nanunuod kaba ah."sambit ko sakanya ngunit hindi yata sya nakikinig sa akin

nasayang lang laway ko e

Tsaka ko sya nakita na naglalaro ng talking tom

"Naglalaro karin nyan, meron din ako nyan anong level kana?."tanong ko sa kanya habang nakadungaw sa cellphone nya at pinapanood kong pinapakain si talking tom nya

"Ahhh level 21 na kaw ba."tugon nya sa akin habang nakatingin ako sa cp nya at nilalaro si talking tom nya

"Ahhh 16 palang ako, ang laki na nya ah."sambit ko sa kanya

"Syempre alagang belly bokbok santiago kaya ito."sambit nya habang pinapaligo nya yung pusa

nadulas sa pagsasabi ng pangalan nya BELLY BOKBOK SANTIAGO pala ah

"Hmmm belly bokbok santiago pala ang name mo."sambit ko habang nakangiting nakatingin sa kanya

Nakita ko ang expression nya na nagulat

"Tsss hindi no."sambit nya sa akin

dont lie to me girl i heard it all clearly

"Hindi daw, pero infairness ang ganda ng pangalan mo."sambit ko sa kanya

her name is unique

"Bagay sa akin kasi may belbel."sambit nya tsaka nya nalang pinagpatuloy ang paglalaro nya

nilalait ang sarili para hindi masaktan kapag ibang tao ang nag sabi

"Tsss hindi, ang ganda kaya ng name mo kamukha mo, maganda."sambit ko sa kanya tsaka ngumiti

"Kakaiba nga eh ngayon kolang iyon narinig."sambit ko

Pero heto sya at umalis sumakay na sa jeep iniwan ako INIWAN ANG FAMOUS MODEL IN THE WORLD HUH, tsss bahala sya may nakita na nga syang artista pakipot pa naku kung kakilala mo lang ako tiyak na makakandarapa ka sakin makausap at mahingan lang ng autograph ko nakakalapit na nga sa akin naku maswerte sya at wala akong body gaurd

At sa di kalaunan ay nakita ko na ang sasakayan ng manager ko tsaka huminto sa harapan ko,kaya dalidali nya akong pinasakay at on the way na kami sa isang hotel at sa rough top gaganapin ang pictorial ko

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon