002

520 67 12
                                    

-002-

"PLUS SIZE"

Saka nako dumeretso sa kusina at nag balot ng kanin at ulam na ipapadala kay aling Joan, parang pamilya ko na rin kasi ang mga kapit bahay namin dito, sabi ko sa kanila na kung may kailangan sila ay wag mag atubiling puntahan ako, handa ko silang tulungan sa abot ng makakaya ko, kasi ramdam ko rin ang nanghihingi ng tulong

"heto po aling Joan, pakabusog po kayo."nakangiting sambit ko at inabot ang pagkain kay aling Joan.

"Salamat, maraming salamat Bell."nakangiting sambit ni aling Joan sa akin tsaka tinanggap ang pagkain na hawak ko.

"Walang anuman po,at kung may kailangan pa po kayo ay, magsabi lang po kayo,tutulungan kopo kayo sa abot ng aking makakaya."sambit ko habang nakangiti.

"Hinihingal kana't pinagpapawisan Bell, pahinga kana muna kaya."sambit ni aling Joan sa akin at tinapik ang aking balikat

ramdam ko nga ang pagod ko, kahit magaan na gawain lang ang ginagawa ko ay hinihingal nako.

"Sige maya maya tsaka ganyan talaga kapag burger."sambit ko tsaka ngumiti at pinunasan ang pawis sa noo gamit ang likod ng palad ko.

"Burger?"nagtatakang tanong ni aling Joan at kita ang pagkunot ng kanyang noo

"Mataba na may mga layers pa."natatawang sambit ko tsaka huminga ng malalim, napagod si belly bokbok santiago nyo

"Hahaha 'kaw talaga, mag diet ka kaya, salamat dito ah sige na baka hinahanap nako ng anak ko."si aling joan saka tumawang tinapik tapik ang balikat ko.

"Food is life po aling Joan, Osige po baka nga hinahanap kana."sambit ko tsaka hinatid si aling Joan sa pintuan ng bahay ko, pagkalabas nito ay isinarado ko na ang pinto,

saka naman ako naglakad papunta sa kusina,para kumain na.

kalahating malaking mangkok ng siningag at tocino ang kakainin ko ngayon, yun kasing hotdog at itlog ay pinadala ko na kay aling joan.

Matapos kumain ay hinugasan kona ang mga pinag gamitan ko at ininom ang natitirang kape at sunod naman ang tubig.

*bruuuupppp*

"Nabusog ako."sambit ko sa sarili ko at saka nako naglakad papunta sa kwarto ko at ng makarating ay kinuha ko na ang bag ko at saka doon inilagay ang cp at wallet ko

at ng mailagay ko na ay saka na ako lumabas at  pumunta na sa sala para doon hinatayin si Ally 

at habang hinihintay siya ay inaayos ko uli ang sarili ko..

ilang minuto nakalipas sa pag hihintay ko ay nandito na ngayon si Ally.

"Tara na Belly."sambit ni ally na nakatayo ngayon sa gilid ng pintuan ng bahay ko.

"Tara."sambit ko tsaka nako tumayo at dinala ang bag ko saka na lumabas ng bahay at inilock ang pinto at saka na kami nag lakad papunta sa kalye at pinagpatuloy ang paglalakad.

ilang metro palang ang nilalakad namin mula sa bahay ay hinihingal nako, medyo may kalayuan din kasi ang terminal na sasakyan namin para  makapunta sa gusto naming puntahan, tulad ng building kung saan kami nagtatrabaho ni Ally

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon