-005-
"EWAN KO SAYO"habang naghihintay ng masasakyan, itong lalakeng katabi ko ay parang tingin ng tingin sa akin,
hindi sa asumera pero...thats trulala
ng mahuli ko syang tumingin ulit ay kinausap ko ito..
"Napapansin ko kuya... kanina kapa tingin ng tingin sa akin ah, oo na mataba na ako, pangit ako? o ano! sabihin muna"sambit ko sa kanya, inunahan ko na sya sa panglalait sa akin para konting sakit lang
"Ah....hehe hindi kanaman mataba ah sakto lang no, saka... ang ganda rin kaya ng mukha mo kaso... madaming pimple."sambit naman ni kuyang katabi ko.
"Tsss."tanging nasambit ko at inirapan nalang sya at tinignan ang mga sasakyan na dumadaan, at kung may j paparating ng jeep, ngunit wala pa ring dumadaan
"Ahhh miss.. hello?, pwede bang malaman ang pangalan mo?."sambit ng lalakeng katabi ko..
"At bakit? para ipa-kidnap at ipa-letson ako?! naku.. kuya..wag kang ano dyan dadaganan kita tignan mo.."masungit na sambit ko sa kanya at tumawa lang ang walang hiya
malay ko ba na ipapahanap ako neto matapos mabigay ang pangalan ko, o baka naman eh pinagtitripan ako neto at bet na bet ang bwisitin..
"Hahaha hindi no, ba't naman kita ipapakidnap ah? mukha ba akong sindikato, tsaka bawal bang malaman ang pangalan ng binibining kaharap ko."sambit nito tsaka ngumiti sa akin at tinaas baba pa ang kilay
impyernes gwapo ka sa ngiti mo yan kuya, pero kahit pogi ka malay ko bang sindikato ka at dinadaan daan mo lang yang kapogian mo para may mabiktima ka..
"Tsss oo bawal, lalo na sayo."sambit ko sa kanya tsaka ko ulit inirapan at tumingin na sa mga dumadaan na sasakyan
bakit wala pang jeep na dumadaan?naaalibadbaran nako sa lalakeng ito
"Napakasungit mo naman po pala, sige na ano nga bang pangalan mo nais ko lang naman malaman, tsaka promise wala akong masamang intensyon sayo."nakangiting sabi nya sa akin at itinaas ang right hand nya na parang itsurang nagpapanata
nakatingin lang ako sa kanya at ibinaling ulit ang paningin sa mga dumadaang jeep..
"Sige na...ano bang pangalan mo?."pangungulit ng lalaking katabi ko
For the first time yata eh Makakasapak na ako
"Ewan ko sayo."sambit ko tsaka lumayo sa kanya, lumipat ako ng pwesto para iwanan sya, naalibadbaran talaga ako
"ang gandang pangalan EWAN KO SAYO."sambit naman nito at inemphasize ang word ng ewan ko sayo at tsaka lumapit sa pwesto ko
"EWAN KO SAYO ako nga pala si kenneth."sambit niya at inilahad ang kamay para mag shake hands..
"Tssss,tigil tigilan mo nga ako."sambit ko sa kanya at tumingin sa mga dumadaang sasakyan kung may jeep na, at para makauwi at makatakas na ako sa lalakeng ito
Daldal parin ng daldal itong lalakeng katabi ko na kenneth daw ang pangalan, hindi ko nalang sya pinapansin at kinuha nalang ang cellphone ko tsaka nag laro ng talking tom
BINABASA MO ANG
The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]
Teen FictionBelly bokbok santiago ang aking ngalan, Mataba man kung akoy titignan, Nilalait din ako at pinandidirihan, Pangit man ang aking panlabas na kaanyuan, Ang laman ng puso ko naman ay halos kabutihan