Kabanata 19
All Of You
Naglagay ako ng manipis na make up at mas pink na kulay ng lipstick, lotion, pabango at higit sa isang daang beses kong pinasadahan ng suklay ang buhok ko. I will need to look extra attractive.
"Mr. Romualdo, binasa ko ulit ang kontrata, walang nakalagay na compensation para sa breach of contract." Sabi ko nang nagawi sa kanyang opisina kinaumagahan.
Pinagsalikop ng General Manager ang kanyang mga daliri. Ang kulay abong pang itaas ay nasa likod ng kanyang swivel chair at ang tanging suot pang itaas ay isang puting sleeveless. "Bakit ka nagtatanong?" Kumunot ang kanyang noo.
"Sir, nagtaka lang po ako."
"Really? Or you're planning to resign within 6 months? Avon, you might want to call Brandon Rockwell. I'm sure hindi ka mahihirapan kasi nakikita kong maganda ang pakikitungo niya sayo." He smirked. "Or the CEO, Madame Diana Rockwell? That's easy."
Tumango ako sa sinabi niya.
"Wala naman kasing nang bi-breach dito, Aurora. Maraming gustong makapasok dito dahil sa maganda mamalakad ang president at maganda rin ang sahod. By the way, this coming Wednesday ay kaarawan ko." May kinuha siyang kulay itim na matigas na papel at nilagay sa harapan ko. "I will celebrate my birthday with a party. Nakagawian ko nang isama ang lahat ng managers doon."
Kinuha ko iyong invitation at nakita kong sa Country Club iyon gaganapin.
"Hope you'll be there." Ngisi niya.
I can always get away with my sudden resignation pag nagkataon. I will ask my relatives to find a way o bayaran ko na lang mismo ang breach para hindi na ako makasuhan pa.
Pagkapasok ko sa Clubhouse ay naroon na si Brandon, nagkakape. May kausap siya sa kanyang cellphone at nang namataan ako ay mabilis na nagsalita na para bang nagpapaalam.
"Good morning, ma'am!" Bati ni Jose sa akin habang nag ma-mop.
"Good morning, Jose."
Imbis na diretso ako sa aking opisina ay kay Brandon ako pumunta. I cannot hide my witchy grin as I sat beside him. Namataan ko ang mga tingin ng ibang waiter, ni Ria, at ng ilang empleyadong naroon.
"I'm sorry, mum. Babalik ako diyan. Kailan? I don't know yet, maybe this Friday." Nilagay ni Brandon ang kanyang kamay sa likod ng aking silya, to acknowledge my presence. Kausap niya pala si Madame.
Tinagilid ko ang ulo ko. Mataman niya akong tinitigan habang nasa cellphone parin.
"I know. Of course, I care. Tinawagan ko kahapon si Doctor Alameda at nagtanong ako tungkol sa kalagayan mo. I care. May mga pinirmahan na rin akong pending works kahapon nang nagpunta ako sa kompanya... I will check it next time I'm in Manila." Suminghap si Brandon at binaba ang cellphone.
Binaling niya ang buong atensyon sa akin. Ngumiti ako sa kanya. He's in trouble. Mukhang pinapauwi siya ng kanyang mommy sa Manila. At pag umuwi siya para sa trabahong hindi nagawa ay mas lalo lang maantala ang problema ko.
"Pinapauwi ka?" I tried to sound hurt and disappointed.
"Yup." He sighed. "Nag overtime ako kagabi. Ilang meetings at proposals din ang pinakansela ni mommy dahil masama ang pakiramdam niya. I take over the company sometimes kaya kahapon inayos ko habang wala siya. But it's not enough."
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...