Kabanata 4
Gentleman
"Naku, pasensya ka na." Hiyang hiya kong sinabi nang siya na mismo ang kumuha sa luggage ko at inakyat doon sa isang dorm na katapat ng iilang villas.
Umiigting ang kanyang muscles sa braso dahil sa pagbubuhat ng aking luggage.
"No problem." Kumindat siya at pumasok kaming dalawa sa dorm.
Iginala ko ang paningin ko sa malinis at simpleng dorm nila. Puti ang dingding at tama ang lighting ng paligid. Sa bawat silid ay may hanggang dalawa o apat na pwedeng tumira doon.
"'Yong pinalitan mong manager ay nag migrate. He's alone in his room. Madalas kasi ng employees namin dito ay babae kaya payag silang nasa isang room lang sila samantalang iyong manager na pinalitan mo ay mag isa sa isang room." Tumigil siya sa tapat ng room na may isang double deck na bed.
Malinis rin ang loob. Pumasok ako at pinuna na puti ang lahat ng muwebles dito. I like it all kahit simple lang at malayo sa kwarto ko sa condo o di kaya ay sa Cebu.
"Do you like it here?" Tanong niya, nasa likod ko.
Nilingon ko kaagad siya. "Yes." Ngiti ko. "Thank you."
Nilagay niya ang bagahe ko doon at yumuko siya ng bahagya na para bang pinepresenta ang lugar.
"My pleasure." Umayos siya sa pagkakatayo. "Then, I'll leave you for now. Bumalik ka na lang sa Clubhouse nang sa ganon ay makausap mo si Mr. Romualdo tungkol sa sweldo mo. You can start now." Tinagilid ni Brandon ang kanyang ulo.
There's something about his perfect jaw, blue green eyes, and perfect nose... it all makes him more manly. At hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili nong ingratang kabit ni daddy ang daddy ko imbes na ang lalaking ito sa harap ko. If they were friends, then I am pretty sure she's considered him a prospect.
"You look mad. Are you mad at me?" Natatawa niyang sinabi.
Pinilig ko ang ulo ko at pinutol ang linya ng pag iisip. "No. Naninibago lang ako sa lugar. I wonder if I can do this." Kibit balikat ko.
"You can. I'm sure your internships at Enderun were excellent. Mabuti nga at dito ka napunta imbes na mangibang bansa." He smiled.
"Iniisip ko rin namang mag abroad. No offense, ah? But it's an honor to be here. High end ang club na ito at may panama sa mga five star hotel sa abroad. Lahat ng internship ko ay ginanap sa abroad kaya ngayon gusto kong ma experience ang hotels sa Pilipinas. Hoping that one day, I'll build my own chain of hotels." Pang beauty queen na sagot, Avon! Of course that was half meant.
"Oh that's cool. Hoping to see you in the field one day." Humalukipkip siya. "Miss Manilena."
Tumawa ako at nilagay ang takas na buhok sa aking tainga. If he's flirting with me then I will flirt with him too. If that's what it takes! "Oh don't call me that! I'm not from Manila, anyway. Taga Cebu ako."
Kita ang gulat sa kanyang mga mata. "Why you act like your a big city girl. But I'm sure you are." Tiningnan niya ang sulat ko at binasa ang pangalan ko ng buo. "Miss Aurora Veronica R. Pascual." Bahagyang kumunot ang noo niya bago nag angat ng tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...