Kabanata 55
Depressed
Nanlaki ang mata ni Brandon pagkatapos niyang sagutin ang telepono. What is it? Is it about his business? What happened?
"Stay there!" sigaw niya sa tinig na hindi ko makilala.
Binaba niya ang telepono ng halos hindi maayos. May kinapa siya sa kanyang drawer at iyon ay ang susi ng kanyang sasakyan. Nabuhusan ako ng panic sa pagkakataranta niya.
"Brandon, what is it?"
Hinalikan niya ako sa pisngi pagkatapos ay nagmura na parang wala sa sarili.
"Please, sweetheart. Can you drive home safely? Something happened to Arielle. Please."
Bago pa ako makapagsalita ay nasa pintuan na si Brandon. Wala akong mahinuha sa kanyang ekspresyon kundi ang pag aalala para sa kababata at ang paninisi sa sarili.
"Brandon!" I called but it was too late, nakalabas na siya ng opisina.
Natulala ako doon sa loob. What happened to that evil half sister of mine? What is she up to now? Ano ang posibleng nangyari na iniwan ako ni Brandon dito at nagmamadali siyang puntahan kung nasaan man si Arielle?
Tulala ako pababa ng building. Hindi ko na naman dala ang Civic ko kaya mapipilitan akong mag taxi. Sa loob ay gumawa ako ng mga tawag sa mga kilala ko. The first person that came to my mind was Jessica.
"Do you want to come here?" tanong niya sa boses na punong puno ng pag aalala.
"I-I need to check our condo first. Something happened, e. Si Arielle umuuwi sa amin, baka naroon siya. Pinuntahan siya ni Brandon."
"Well, what about her condo unit? Do you know where it is?" tanong ni Jessica.
"Hindi, e. But I'll call dad."
Labag man sa kalooban ko ang umuwi o harapin si daddy ay kinailangan ko iyon. Where is Brandon and what exactly happened?
Binuksan ko ang pintuan ng condo unit ko at inatake kaagad ng amoy ng lasagna ang aking ilong. I know mommy's baking it. Dumiretso ako sa kusina at nang nahagilap ako ng kanyang mga mata ay nilapag niya kaagad ang isang pan ng lasagna sa counter para yakapin ako.
"Av!" she cried. "Uwi ka na? Uuwi na si Arielle."
Luminga linga ako. Imbes na isipin ang mga sagot sa tanong niya ay hindi ako mapakali. "Nandito pa po ba ang kanyang mga damit?"
Sumimangot si mommy, hindi malaman ang ibig sabihin ng tanong ko ngunit sinagot niya parin. "Well, some of it."
"Where is she?" tanong ko.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ni daddy at narinig ko ang hikab niya. He called out my mom's name ngunit palapit na rin naman siya sa kusina. Nilingon ko ang bukana at nang nakita niya ako ay bahagya siyang natigilan.
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...