Kabanata 2
Contest
Nakapikit ako pagkatapos inilapag ang isang shot ng mamahaling wine galing sa counter nina Jessica. Hindi ko alam na ganito pala ka pangit ang pakiramdam na nag aaway ang parents mo at nasa gitna ka. Ayaw kong maniwala sa ginigiit ni mommy dahil mahal ko si daddy at hindi ko matatanggap iyon ngunit hindi ko rin maipagkakaila na may nararamdaman nga akong kakaiba.
Naaalala ko kung paano naibsan ang stress ko nang umalis ako para pumuntang Vietnam para sa internship ko. Mapayapa ang buhay ko doon. Hindi gaanong nakakatawag si mommy pero tuwing nakakatawag siya ay naririnig ko ng paulit ulit ang kanyang reklamo kay dad. Palaging isang kalabit na lang ay aalis akong Vietnam at hindi ko tatapusin ang internship ko.
Pagkatapos ng ilang buwan ay sa Bangkok naman ako at ganon rin ang sitwasyon doon. Now, I can't help it.
"Dad, please..." Sabi ko nang minsang tumawag siya. "Will you tell me honestly? May kabit ka po ba?"
"Hija, no. You know how much I love you and your mom." Sigurado ang tinig niya nang sabihin niya iyon.
Namumuo ang mga luha sa aking mga mata. "Then bakit ganyan maka react si mommy?"
"I don't know. She's probably just insecure. Nasa Cavite ako ngayon at nagiging maayos na ang lagay ng tito mo."
As for that, my mom went to Cavite 2 months ago. Pero hindi rin siya nag tagal doon dahil palagi lang silang nag aaway ni daddy kaya bumalik din siya sa Cebu.
"What's your plan? It's almost graduation." Tumabi si Jessica sa akin.
Alam kong kanina pa siya sinasaway ni tita Corazon na wag nang ilapit sa akin iyong wine na panay kong nilalagok pero hindi niya iyon inaalis.
"Ba't di tayo sabay na mag apply sa Bangkok, girls? I like it there," sabi ni Adrian.
Tumango ako. "Mag aapply ako sa Bangkok." Dumilat ako at tiningnan ang mala Adonis na ngiti ni Adrian sa harap ko. Sumisimsim siya ng kape.
"Dito lang ako sa Pinas. You know... Anton." Makahulugang ngiti ni Jessica.
Tumango ako. "Ayaw ko na muna dito. If there's a chance to go far away, I'll take it."
"Hindi ka uuwing Cebu?" Tanong ni Jessica.
Umuwi ako doon last month at masaya ang relatives ko. But everytime I go home, palaging morbid ang nararamdaman ko. Nakakababa ng self esteem at nakakawalang gana. I feel left out. I feel like I'm not enough. I feel helpless. And it sucks big time.
"A, it was probably just his assistant," may simpatya sa boses ni Adrian.
"Yeah," sabi ko pero alam kong hindi.
Natahimik silang dalawa. Naaalala ko na naman ang namataan naming tatlo kahapon. Napadpad kami sa isang mall para kumain at mamili para sa sasalihan naming fashion icon contest. Madalas kasi kaming sumali ni Adrian sa modeling. Magaling namang stylist si Jessica kaya siya madalas ang nagiging make up artist at stylist namin.
"I'm sorry," ani Adrian at hinaplos ang aking balikat.
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...