Kabanata 51
Ex-Suitor
Mabilis akong naligo at nagbihis. Syempre ay hindi pinalagpas ni daddy ang pagtatanong sa akin kung saan ako nanggaling o saan ako natulog. I answered him too. Pero dahil sa pagmamadali ako ay hindi niya na nadagdagan pa ang usapan namin. At iyon ang gusto ko, ang kaonting pag uusap lamang.
Kung sa bawat pag uusap namin ay ipipilit niya sa aking tanggapin ko si Arielle, mas mabuting huwag na lang muna kaming mag usap. I get that I should learn to accept Arielle's presence. Yes, I do accept that she is a part of my dad's life. But he can't expect me to let her in my life too... and immediately? My ass!
"Tyrone," nanginginig ang boses ko nang nakarating na sa tower kung nasaan ang opisina ng Carlzon Rockwell Group. Natataranta na ako dahil late na ako at syempre nag aalala ako sa kay Brandon.
Napagtanto kong masyado akong nagpadala sa emosyon ko kagabi. Sa galit ko kay daddy ay wala na akong ibang naisip kundi ang sarili ko at ang sumisiklab kong galit sa kanya. Ni hindi ko na isip na tawagan si Brandon.
"Maraming salamat, ha!" sabi ko at nagmadaling magtanggal ng seatbelt.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa pagmamadali ko. Tumagilid ang ulo niya sa akin at dahil hindi ko matanggal tanggal ang seatbelt ay tumulong pa siya sa akin.
"Magkano ba ang kaltas pag late ka?"
Umiling ako. Hindi iyon ang inaalala ko. "Hindi ko alam, pero kailangan kong magmadali. Pasensya na. Maraming salamat talaga," sabi ko at mabilis na tinulak ang pintuan para makalabas.
"No problem. Magcocommute ka mamaya?" pahabol niyang tanong imbes na isarado ko na ang pintuan ng kanyang sasakyan.
Umiling ulit ako. "I mean, hindi ko alam, e. Titingnan ko."
"You want me to..." iminuwestra niya ang kanyang manibela, "you know, fetch you?" His smile was sweet.
Tipid akong ngumiti at nagmamadaling sumagot. "Hindi na. Okay lang ako."
May sasabihin pa sana siya ngunit huli na dahil naisarado ko na ang pintuan. Kumaway na lang ako at humingi ng paumanhin kahit na alam kong hindi niya iyon maririnig at nagmadali na ako sa pagtalikod.
Mabilis ang lakad ko patungo sa receiving area ng tower. Nagtanong pa ako roon kung aling palapag ba ang Carlzon Rockwell at mabuti na lang agaran naman ang sagot. Tatlo ang palapag ng kanilang kompanya ngunit sinigurado ko iyong palapag ni Brandon dahil ako ang kanyang sekretarya.
I'm fifteen minutes late for God's sake and this is my first time here! Ano ang sasabihin ni Madame Diana sa akin? Kahit na kami na ni Brandon ay hindi parin pwedeng magpabaya ako. Ang trabaho ay trabaho.
Mabilis ang lakad ko patungo sa abalang opisina nang nakalabas na ako sa lift. Lumilinga linga ako sa kaliwat kanan na mga taong nag dadala ng mga papel, blueprint, at kung anu-ano pa.
"Good morning, ma'am!" may bumati pa sa aking hindi ko naman kilala.
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...