Kabanata 24

1.6M 36.9K 11.2K
                                    

Kabanata 24

Go To Hell

Halos tatlong taon ang tanda ni Arielle sa akin. Iyon ang sinabi ni mommy habang mangiyak ngiyak siya.

Sa araw na iyon, nagpunta si daddy sa firm ng mga Rama, kung nasaan ang mga tito at tita ko. I don't know? For work? To make amends? But as long as my mother is happy, I'm sure palalagpasin nila si daddy.

"Naghiwalay kami ng daddy mo non, kasi ayaw ng lolo mo sa pamilya niya. You know your grandpa, Av." Nilagay ni mommy ang takas na buhok ko sa aking tainga.

Nakahiga pa ako sa kama at nasa gilid ko siya, nakaupo. Pinanood ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Halu-halong sakit ang nakita ko roon.

"Don niya nakilala si Rebecca." Lumunok si mommy. The pain in her voice dripped like acid. "And you know what happened next. I forgave your dad because he did not want that to happen. Nong sa wakas ay pumayag si papa sa amin ay pinakasalan niya agad ako. And we have you. He didn't know na nabuntis niya pala si Rebecca. Her child was probably two or three years old when we got married."

Hinaplos ni mommy ang aking noo. Pinaglaruan ko na lang ang aking daliri habang nagsasalita siya.

"I know it's hard to forgive your dad, A. But... he's sorry..." ani mommy.

"It is hard to forgive dad, mom. Even if he's sorry. Kasi kung sinabi niya sana ito ng mas maaga ay sana hindi ka na nagpakahirap. Sana ay hindi na rin ako nagpakahirap." Hindi nila alam kung ano ang mga ginawa ko para lang makarating sa sitwasyong ito. "Pag hindi ko ba nalaman ay hindi rin ba siya uuwi?"

Huminga ng malalim si mommy. "Uuwi siya. His daughter needed him, he told me. May pinagdadaanan din siya. She's been abused by her own parents, Rebecca and the man she's married to for years."

Kinukurot ang puso ko sa mga sinasabi ni mommy. How kind of her to think of the welfare of that woman!

"Your dad is a lawyer and if he can win a case for the people he didn't know, why can't he win a case for her own daughter?"

Hindi ko matanggap ang pinagsasabi ni mommy. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Bago nagsalita ay nagdesisyon akong umupo ng maayos. "Mom, you're a good person. Mana ka kay lola. Always thinking about others. Like tito, you should be a public servant. However, mana ako kay lolo, I'm sure of that. I don't always think about others, but when I do, I think about how I'm going to slap them the next time we meet."

Umiling si mommy at tinagilid niya ang ulo niya. "I know this will take time for you. You're your dad's only princess. You still are."

"I don't care about any throne, mom." Sabi ko. "Hindi na ako bata para mag tanong kay daddy kung sino ba ang kanyang prinsesa. My point is, nagawa niyang mag sinungaling sa atin. Hinayaan ka niyang ma depressed ng ganon. Mom, your beyond hysterical that time! And he did not care at all? Did he think about you? Inisip niya ba ang kapakanan mo nong inisip niya ang kapakanan ng brat na iyon? Hindi! Dahil kung inisip niya, a simple explanation or anything will be useful!"

Pumikit ng mariin si mommy. Ayaw kong maalala niya ang kanyang pagdurusa pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang sakit na hanggang ngayon ay hindi ko magawang balewalain.

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon