Kabanata 37
Be Of Use
Nahugasan na ang kamay ko ngunit nanatili akong tulala. Sariwa pa sa utak ko iyong nangyari kanina. Pinapalibutan ako ng mga kaibigan kong nag aalala at bumubuntong hininga.
"Jess..." Dinig kong tawag ng isa sa mga kabarkada ko. "Uwi na muna kami nina Aless at Tyrone, may shoot pa kami bukas, e."
Sa gilid ng mga mata ko ay tumango si Jessica. Nakita ko ring tiningnan muna nila ako bago sila umalis ng tuluyan. Ramdam na gulat pa ako sa mga nangyari. I've never been in an accident before. Iyon ang unang pagkakataon kong nakasaksi ng isang taong nasaksak, duguan, at halos walang malayo. Iyon ang unang pagkakataon na nakahawak ako ng ganon ka raming dugo.
"A, are you okay?" Pagkatapos ng ilang sandali ay umupo si Jessica sa akin.
Alam kong madaling araw na at dapat ay tulog na ngayon si Jessica. Kinukulit na siya ni Anton na matulog na ngunit ayaw niya kaya wala ring nagawa si Anton.
Nilingon ko si Jessica, sa wakas medyo bumalik na ang huwisyo ko pagkatapos ng ilang oras.
"Y-You think he's fine?"
Nilingon ni Jessica si Anton at may sinenyas. Tumango si Anton at umalis, dala dala ang kanyang cellphone.
Pumikit ako ng mariin at hinilamos ang palad. This was all my fault. It was my dad's problem. Tinanong niya ako kung kailangan ko ba ng body guard. Kung kailan wala akong body guard tsaka naman ako magkakaroon ng ganitong eksena. And Brandon, I've said so many rude things, sinundan niya lamang ako at nadawit lamang sa gulo. And now, he's proabably critical. I'm not dumb, sa saksak na natamo niya paniguradong malalim ang sugat at sa daming dugo na nawala ay paniguradong hindi maganda ang nangyayari. He's damn almost unconscious when he was carried by some medical personnel.
"You should call your dad. Sabihin mo lang ang nangyari, A. Just let him contact the security or talk to the lawyers of the Zunigas." Nag aalalang sinabi ni Jessica.
Tumango ako. "I will." Bukas. Pag kaya ko na.
Nalaman ko na malalim nga ag sugat na tinamo ni Brandon at halos kailanganin niya ng blood transfusion sa dami ng dugong nawala. He's unconscious nang dumating sa ospital. Nanginginig ako nang nalaman ko iyon, nag fa-flashback sa akin ang mga dugo ni Brandon sa kamay ko.
Ilang linggo na ang lumipas at halos wala na akong ginawa kundi ang tumambay sa condo kasama si mommy at daddy. Imbes na dumiretso sila sa Cavite para bisitahin si tito ay nanatili sila sa Manila.
"I cooked your favorite breakfast." Ngiti ni mommy nang naaninag akong palabas sa kwarto.
Sa araw na ito, ganon parin ang mangyayari. Bibisita si Jessica at Anton dito sa condo ko habang si daddy ay may aasikasuhin sa kanilang opisina. Si mommy ay mananatiling nandito sa condo at ang dalawang body guard na nakalaan para sa kanya.
"Thanks, mom. Good morning!" Bati ko sabay halik sa kanyang pisngi.
Ngumisi siya at nilagay sa likod ng aking tainga ang takas na buhok sa aking pagkakapusod nito.
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...