Kabanata 46
Selfishly
Nakahiga ako sa braso niya, kinakalma ang sarili. Hinagkan niya ang aking ulo at suminghap siya sa aking buhok. Ang kanyang mga kamay ay naglalaro sa aking mga daliri at nakapulupot sa aming katawan ang isang malaking puting kumot.
"I'm sorry for everything. I'm sorry for being a jerk." Bulong ni Brandon sa akin.
Ngumuso ako. "Pasalamat ka di kita iniwan." Naisatinig ko ang matagal ko nang naiisip.
"I was just really mad kaya hindi kita nagawang balikan. I can even catch a bullet for you, kahit pagkatapos mo akong pagsabihan ng masama kay Arielle. I heard everything you said. Sinabi mo na ginamit mo lang ako. You know I was your slave, your dog. And hell, I couldn't even believe that I was okay with that. That it was alright for me to be called your dog, or your slave. Pero napagtanto kong hindi iyon maganda. It was self destructive. My love for you can wreck me. Hindi dapat ganon. And you? Wala kang pakealam sa akin. You can destroy me without even blinking and I hated you for that."
Tumingala ako sa kanyang mga mata na punong puno ng sinseridad. Ngumuso ako at binalik ang tingin sa mga daliri naming pinagsasalikop niya. "Nasaktan mo rin ako no."
"Yes, sweetheart. And I'm really, really sorry. I was just too scared to let you in again without making sure of your feelings. Kasi mahal kita at hindi ako sigurado kung mahal mo rin ba ako."
"I love you, you idiot." Halos mabasag ang boses ko. "Kaya nga sumunod ako, diba?"
"I honestly thought you'd leave the first day. Akala ko pumunta ka lang doon kasi guilty ka sa nangyari sa akin at sa lahat ng sinabi mo sa akin. I thought you didn't care, I thought it was all guilt. I hated myself for loving you too much. Na umasa parin ako na nagpunta ka nga doon para sating dalawa. And when you stayed, sweetheart, I didn't know what to do. I mean, Aurora Veronica is willing to give in to me?" Humalakhak siya na para bang hindi makapaniwala sa nangyari.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Marami akong tanong sa kanya tungkol kay Arielle pero ayaw kong masira ang nangyayari ngayon kaya hinayaan ko siyang yumakap ng mahigpit.
Ilang sandali ang nakalipas ay narinig na namin ang katok sa pintuan. Nagmura si Brandon at tumayo para tingnan kung sino. Inayos ko naman ang kumot na nakapulupot sa aking katawan.
May kausap siya sa likod ng pintuan. Hindi ko makita dahil kaonti lamang ang kanyang pagkakabukas.
"Susunod na kami." Sabi niya bago sinarado muli ang pintuan.
Bumaling siya sa akin. He's wearing his boxer shorts, flashing his perfectly sculptured muscles.
"Dinner daw." Sabi niya at umupo sa kama. Umuga ito sa kanyang pag upo. Ngumuso siya nang tinitigan ko lamang siya.
"Okay." Sabi ko at umupo.
"Do you want to go out? I want to stay here. I want us to talk." Sabi niya.
Umiling ako. "Brandon, it's Rage's wedding. Palalagpasin mo ba ito? Nandito tayo para magsaya kasama sila."
"Oh, yeah. Logan is hitting on you, by the way. Stop flirting back."
Kumunot ang noo ko. "I am not flirting back!"
"You're my girlfriend now. Ang galing mo pa naman sa pakikisalamuha, Major in Hospitality, please stop being hospitable now."
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...