Kabanata 23
I Said Leave
Tawang tawa ang mga pinsan ko sa ginawa ko sa babaeng iyon. Tawang tawa na rin ako. Of course we're under the starry night and drunk. This is their welcome party for me . Anila'y akala nila hindi na ako babalik dahil sa sandamakmak na problema ng pamilya ngunit nagkakamali sila. I'm here in front of them, gumuho man ang mundo.
My dad booked a flight to Cebu immediately that day. Pagkarating ko ng Cebu ay binisita ko kaagad si mommy sa bahay. Laking tuwa niya nang makita ako. Wala akong sinabi sa kanya na kahit ano. Ayaw kong lumala ang kanyang kalagayan.
Na windang ako nang paalis ako sa bahay at magtutungo kina tita para doon umiyak at magmura sa nangyari ay dumating si dad.
Titig na titig ako sa kanya habang nasa loob ako ng sasakyan ko. Hawak hawak ko ang manibela, palabas na ng garahe. Ngunit nang makita siya ay lumabas ako para sugurin siya at sumbatan sa lahat ng nangyari.
But then... my mother cried. Sinalubong niya si daddy sa gate pa lang ng bahay namin at niyakap niya ito. Nanlamig ang aking tiyan habang pinagmamasdan ang umiiyak kong mommy. Tinahan siya ni daddy at halos mandiri ako sa nakikita. Inalo ng bisig na iyan ang ipokritang babaeng iyon kanina! Now he's comforting my mother!
Bumalik ako sa sasakyan ko at imbes na bumati ay bumusina lang ako para tumabi sila sa gate na dadaanan ko nang makatulak na patungo kina tita. He called my phone while I was on the road. I didn't answer it. I don't need his words right now. Pasalamat siya at kailangan siya ni mommy. Dahil ako? Hindi ko na siya kailangan. Bumuhos ang luha ko sa sakit na naramdaman.
Tinigil ko ang sasakyan sa bahay ng pinsan kong si CJ sa Talamban. Pinatunog ko ang itim na Vios ko pagkatapos kong iparking sa isa sa mga garahe nila at nagsimula ng magtungo sa loob. Mabuti na lang at naisipan kong umalis ng bahay. Being with my dad is suffocating.
I shared what happened to my cousins. Sa kay tita at tito ko na naroon ay hindi ko sinabi. Nasa gitna ako ng pagtatalo sa aking sarili kung sisirain ko ba ang pananaw nila kay daddy o hindi. Though it was futile. Sira na ang pananaw nila kay daddy simula pa lang nong naghihisterya na si mommy.
"What was the name, again?" Nanliliit ang mga mata ni CJ, ang aking pinsan. Pulang pula na sa iniinom na hard liquor.
"Arielle Zalea Garcia." I couldn't forget the name.
"The man, I mean," pagtatama niya habang dinudungaw ang kanyang cellphone.
Si Lyka, Erica, Cole, Matteo at CJ lang ang narito. Apparently, Charity, one of my cousins, isn't available today for some reason.
"Man?" Gulat kong tanong. "Brandon Rockwell." Umirap ako.
Hindi ko na dinetalye sa kanila kung ano ang nangyari sa amin ni Brandon. Sinabi ko lang na imbes siya ang paikutin ko ay ako ang napaikot niya. Alam niya pala ang tungkol sa aming dalawa ni Arielle ngunit hindi niya sinabi sa akin. Why was CJ asking for his name, I didn't know.
"Complete name?" He asked again.
"Brandon Walter Del Fierro Rockwell. Don't make me say that again." Sabi ko sabay lapag sa basong iniinuman ng tequila.
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...