Warning: SPG
-----------------------------------------------
Kabanata 45
Heartfelt
Wala ako sa sarili sa mga sumunod na oras. Nakisama ako sa kay Sunny, iyong bride, at sa kaibigan niyang si Mia. Nagku kwentuhan sila kung paano siya nahanap ni Rage pagkatapos niyang layasan ito sa bahay nila.
"Pagkaanak ko, gusto kong bumalik ng Maynila. Although I'd love a peaceful life, mas gusto ko ring magkaayos si Rage at ang kanyang parents." Ngiti ni Sunny sa akin.
Tumango ako, iniintindi ang kanilang sitwasyon. Kanina pa natapos ang tawag ni Arielle kay Brandon at hindi ko na siya muling tiningnan. What for, right?
Tumikhim si Brandon nang lumapit siya sa akin. Nilingon ko siya at nakita ko ang pag iingat sa kanyang mga mata.
"Mag ji-jetski kami. Iiwan ko ang phone ko sayo." Aniya sabay lagay ng phone sa gilid ko.
Tumango lang ako at hindi na siya binalikan ng tingin. Nilagay niya sa gilid ng aking baso ang kanyang cellphone bago niya ako tinalikuran para puntahan sina Kid, Rage, at Logan na pare parehong nag huhubad ng suit at nagpapalit para makaligo sa dagat.
Nalaman ko na mahirap lang si Sunny at Mia. Ikinagulat ko ang pagiging janitress nilang dalawa. It's not a bad thing. Ang totoo nga niyan ay humanga ako sa kanila at sa pagsisikap nila sa buhay kahit gaano sila kay hirap. Humanga rin ako kay Rage at sa boyfriend ni Mia na si Kid dahil pareho silang hindi naging judgemental sa dalawang babae.
I had a good time with them. Pansamantala kong nakalimutan ang insekyuridad at sakit na minsan ko lang nararanasan. Binigyan lamang ako nito ng lakas. Naging masekreto din kasi si Rage sa kanya, she begged for the truth. Nong nalaman niya ang totoo ay napagtanto niyang mas gusto niyang hindi alam ang mga iyon. It would have made her life easier. In her search for truth, nawalan rin siya ng kontrol sa kanyang emosyon kaya niya nagawang iwan si Rage. And that's what I'm feeling right now.
Natigil ang tawanan namin nang narinig namin ang umaalingangaw na tawanan ng mga lalaking basang basa sa tubig dagat pagkatapos mag jetski. Papalubog na ang araw at hindi na namin namalayan na masyado na kaming nagtagal roon habang nag kukwentuhan.
"Let's toast for this." Tawa ni Kid at umupo na kaagad sa tabi ni Mia para kumuha ng kopita.
Binangga ni Brandon ang kanyang baso sa kanila at agad nilagok iyong wine bago umupo. Si Rage naman ay nagtungo kaagad kay Sunny na may binulong sa kanya. Tumango si Rage at umupo. Nagkatinginan si Mia at Sunny bago sinabi sa lahat.
"Magpapahinga muna kaming mga girls. Kayo muna dito?" Ani Sunny at tumayo.
Tumango ako at sumang ayon sa desisyon. Ramdam ko ang pag angat ng titig ni Brandon sa akin habang kumakawala sa upuan.
"Okay. Susunod din ako sa villa." Sabi ni Kid, nakatingin at nag sinisenyasan si Mia.
"Mag enjoy muna kayo dito. Magbibihis lang din ako para sa dinner." Sabi ni Mia tsaka hinalikan si Kid sa labi bago naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...