Warning: SPG
-----------------------
Prologue
Tinitingala ko ang disenyo ng kabuuan ng simbahan. Malaki iyon kumpara sa mga simbahang napuntahan ko na. Well, Avon, this is the Manila Cathedral in front of you. Ngayon lang ako nakapunta dito. Hindi ko maiwasan ang pag gala ng aking paningin sa kung saan saang bahagi ng napakalaking simbahan na ito. Tahimik at bawat galaw ay naririnig lalo na dahil wala pang tugtugin.
"Aurora Veronica! Akala ko hindi ka makakaabot!" Mabilis na naglahad ng braso si tita Corazon. Halos mapangiwi ako nang narinig 'yong buong pangalan kong madalas ay ayaw kong banggitin kahit nino.
Niyakap ko siya at nangingiti ako nang humigpit at dumaing pa siya sa yakap ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang magandang flowing dress. Nagmukhang diwata si tita sa suot niyang iyon.
"Ako pa ba ang hindi dadalo?" Ngumiti ako at nanatili ang tingin ko sa kanyang damit. "Ang ganda ganda mo, tita. Bumata ka lalo sa damit mo."
Lumaki ang ngiti ni tita Corazon sa papuri ko. "Naku, A. Kung alam mo lang kung paano ako na paranoid dahil sa damit na ito! Naku!" Umiling iling siya. "Ikaw din naman. Grabeng takot ang inabot ni Jessica nang nalaman niyang umuwi ka ng Cebu. Ang alam kasi niya ay nakakontrata ka pa sa Tagaytay. What happened, hija?" nag aalalang tanong ni Tita Corazon.
Ang mga Tiangson ay naging malapit na sa akin. Simula nong nag aral ako dito ay si Jessica na, ang kanilang anak, ang palagi kong nakakasama. She's my bestfriend and her family became my refuge everytime I'm in trouble. Malapit ako sa kanila at sila lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko dito sa Manila.
"Umuwi lang po ako. Namiss ko po kasi ang Cebu." Sinubukan kong ngumiti para maiwala ko ang usapan. "At syempre, ipagpapaliban ko ba ang kasal ni Jessica, Tita? No way! And besides, bumalik si Adrian galing Thailand, tita! Reunion namin ito!" Tumalon pa ako para ipakita ang pagiging masaya ko.
"Oh he should be here, right? It's almost time!" nag aalalang sinabi ni Tita habang tinitingnan ang pintuan ng cathedral.
"Oo nga po," sabay lingon ko sa malaking pintuan ng simbahan.
Inayos ko ang saya ng aking long gown na kulay pastel na pink. Ako ang Maid of Honor sa kasal ni Jessica at hindi ko maiwasang puriin ang naging mga desisyon niya sa dekorasyon, damit, at mismong lugar na pagdadausan ng kanyang kasal. It's all perfect! Every single detail of this wedding is perfect. Kahit na ang kinuha niyang photographer at videographer ay magagaling at mamahalin. Naaalala ko tuloy ang kasal ng pinsan ko noon sa Cebu.
"Avon!" sigaw ng pamilyar na boses. Kumakaway ang naka coat and checkered inner long sleeves na si Adrian sa akin.
"Adrian!" Nangingiti kong sinabi at niyakap siya.
Inangat niya ako sa ere at sinapak ko ang kanyang braso. Tumawa lang siya at hindi ko maipagkakaila na kung guwapo siya noong huli naming pagkikita ay mas lalong tumingkad ang kagwapuhan niya ngayon. Narinig ko ang eksaheradong tikhim ng mga babaeng bride's maid ni Jessica sa likod ko. Sorry girls, but he's got a secret.
"Oh my God! What happened to you?" Namilog ang kanyang mga mata.
Tumawa lang ako, "Sineryoso mo ba 'yong pag momodel. Do you squat already?"
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...