Kabanata 57

1.3M 31.3K 6.3K
                                    

Kabanata 57

Panaginip

Pawisan si Arielle habang umiiling iling. Kumunot ang noo ko at tiningnan siyang mabuti. Parang may bumabagabag sa kanya ngunit nakapikit parin naman siya.

"Wag!" she cried.

Tumayo ako at luminga linga. What's wrong with her? Tumutulo ang kanyang pawis sa noo at umiiling iling. Patuloy ang pagsambit niya ng kung anu-ano.

"Wag! Tama na! Please! Ayaw ko na! Please!" Umiiyak na siya.

Hindi na ako magkanda ugaga. Hindi ko alam kung magtatawag ba ako ng nurse o ano. Nilingon ko ang teleponong nasa gilid lang ng kanyang kama ngunit hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanya na umiiling parin at parang may kung anong masakit habang halos pinupunit ang kumot.

"Arielle! Gumising ka!" sabi ko sabay yugyog ng kaonti sa kanyang balikat.

It was clear that she's dreaming. Bangungot kung baga. Mabilis ang pintig ng puso ko sa kaba. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko o uunahin ko. Magtatawag ba ako ng nurse?

Punong puno na ng pawis ang kanyang leeg at noo. Hinawakan ko ang kanyang leeg at naramdaman ko ang labis na pag iinit nito. Nilalagnat siya! Shit! I should call the nurse!

Nang iangat ko ang kamay ko para makapagtawag ng nurse sa telepono ay hinawakan niya ng mahigpit ito.

"Wag mo akong iwan! Please, wag mo akong iwan! Brandon!" sigaw niya, nagmamakaawa habang umiiyak.

"Arielle! Gumising ka! Arielle!"

Tinapik ko ang kanyang kamay at balikat. Sa sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko ay ramdam na ramdam ko ang takot niya sa kung ano man ang nangyayari sa panaginip niya. Dumaloy ang pawis  sa kanyang noo habang umiiling siya.

"Tama na! Tama na!" sigaw niya.

"Arielle!" sigaw ko rin habang buong lakas siyang ginigising dahil sa kaba ko sa kung anong nararanasan niya.

Nagmulat siya at mabilis ang hininga niya. Tila tumakbo ng milya milya habang hawak hawak ang kamay ko.

"Andyan pa ba si daddy? Si mommy?" iyak niya. "Sasaktan nila ako! Sasaktan nila ako!" paulit ulit niyang sinabi.

Umiling ako. Gulat at lito ako sa kanyang naging reaksyon sa pagkakagising. Tingin ko ay inakala niyang makatotohanan ang kung ano mang nakita niya sa kanyang panaginip. "Wala na sila."

Bumuhos pa lalo ang iyak niya. "Sigurado ka! Sasaktan nila ako! Nasaan si Brandon? Nasaan siya? Ipagtatanggol niya ako! Nasan siya?" nag huhuramentado na siya sa paghahanap sa lalaking pinaniniwalaan niyang tanging makakapagprotekta sa kanya.

"Wala na ang mommy at daddy mo. Walang mananakit sa'yo," sambit ko, nag papanic na rin.

"Sasaktan nila ako! Please, parang awa mo na! Tawagin mo si Brandon!"

Bumukas ang pintuan at parang nawala ang nakadagan sa aking puso nang nakita ko ang isang nurse at ang lalaking doktor ng mga Garcia.

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon