Kabanata 56
She's My Ate
"Do you remember Brandon?" tanong ni mommy sa akin nang napansin niyang nakatitig ako sa lalaking nakahawak sa kamay ni Arielle.
Hindi ko maharap si mommy dahil hindi ako makahinga sa paghihinagpis ko. Brandon is Arielle's friend. He cares for her that's why he's here.
"Nagpalipas siya ng gabi dito sa ospital. Arielle was hysterical nong nagkamalay siya at ayaw niyang iwan siya ni Brandon. We thanked him for staying. Kasi nakauwi kami ng daddy mo kagabi para magdala ng gamit niya at para na rin tawagan ang parents niya."
Hindi ako makapagsalita. I'm not sure what I want to do right now. Tumango ang doktor kay daddy na agad namang tinapikan ni daddy sa balikat. Nagpaalam siyang aalis bago tumalikod at pumunta sa pintuan. Napaupo ng maayos si Brandon nang nakita kong kinausap siya ni daddy. Nahagip niya ako sa kanyang paningin kaya napatayo siya.
Parang may punyal na ibinabaon ng malalim sa aking dibdib. Napaawang ang bibig ni Brandon nang nakita ako. Tumayo siya at hinarap si daddy para kausapin.
Gusto kong sabihin kay mommy na oo, kilala ko si Brandon at boyfriend ko siya. But it would be useless, I guess.
Sabay na lumingon si daddy at Brandon sa akin bago umiling si daddy sa kanya. Nanlaki ang mata ni Brandon at agad siyang lumabas sa silid ni Arielle. Arielle's still unconscious. Siguro ay tulog. Tinitigan lamang siya ni daddy at bigong bigo na napahawak sa noo.
"Avon..." may kasiguraduhan ang tono ng boses ni Brandon.
Para bang may nais siyang iparating sa akin.
"Kamusta, Brandon?" tanong ni mommy at napatingin sa akin. May bahid na pagtataka sa titig.
"Umuwi ka ba kagabi? I'm sorry, hindi ako nakauwi. Hindi daw nasabi ng daddy mo sa'yo na hindi ako makapag text kasi naiwan ko sa sasakyan ko ang cellphone."
Luminga linga si mommy sa aming dalawa at nagtaas ng kilay. I'm not sure if this is the right time to tell her about us. Damn, it's a wrong move.
"Okay lang. Kina Jessica ako natulog," sabi ko at nag iwas ng tingin.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinanap niya ang aking tingin. Hindi ko na alam kung ano na ang reaksyon ni mommy dahil abala na ako sa kay Brandon na nang aangkin sa buong atensyon ko.
"Why? Hindi ka umuwi? I'm sorry, sweetheart-"
"Brandon..." lumabas si daddy para tawagin si Brandon.
Nilingon ko kaagad si daddy at ang malaking salamin sa pagitan namin ni Arielle. Nakita kong gising siya at balisa na sa kanyang kama.
"Arielle's looking for you," dagdag ni daddy.
Bumaling ako kay Brandon na nasa akin ang buong atensyon. "Brandon... puntahan mo na si Arielle."
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...