Kabanata 50

1.4M 31.5K 9.4K
                                    

Kabanata 50

Good Night

"Why?" inulit ko kay daddy ang tanong ko.

Kumunot lamang ang kanyang noo at nagmukhang disappointed kasi tinanong ko pa siya non. Para bang hindi ko na iyon dapat pang tinanong. Dapat ay handa na akong ipabisita siya sa bahay namin kahit kailan niya gusto.

Humigpit ang hawak ni mommy sa kamay ko na para bang pinipigilan niya ako para hindi ako mapagalitan ni daddy. No... I want to hear the angry words from him. Gusto kong makita kung gaano siya kagalit sa akin para sa isa pa niyang anak.

Umigting lamang ang kanyang panga ngunit hindi ako sinagot. Tinitigan niya ako habang inaaalu si Arielle. And I hate that my eyes were filled with envy for the girl he is comforting! Galit ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon, gusto ko paring magmakaawa sa daddy ko to see my reason, to understand my feelings. O baka naman ako ang dapat na makita ang mga rason niya o nila? Hindi ko alam.

"Don't worry, Avon. Hindi ako titira sa inyo!" Humupa ang luha ni Arielle at klaro niya itong nasabi. "It's just visit!" Inirapan niya ako ngunit hindi iyon naging sapat para sa akin.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko!" maagap kong sinabi bago bumaling kay daddy na huminga naman ngayon ng malalim.

"Ayaw mo ba talagang magkasundo kayo?" Mukha siyang bigong bigo nang tinanong niya ako nito. Para bang ako ang magiging hadlang ng kanyang kaligayahan.

"Guillermo, it's hard for Avon, you know," banayad na sinabi ni mommy kay daddy.

"I know. It's hard for me, too. Pero paano natin ito maaayos kung sa unang subok pa lang ay titigil na tayo?"

Umiling si mommy at tiningnan ako.

Alam ko na ako lang ang problema ni daddy dito. I am depriving them of happiness. I am depriving his daughter of a family she deserves. Nag alab ang mata ko sa mga luhang nagbabadyang tumulo.

"Fine! Wag niyo na akong tanungin ulit para sa opinyon ko kung hindi lang din naman kayo makikinig." Punong puno ng pait ang boses ko.

Tumayo ako at nilagay ang bag sa aking balikat. Tinatawag na ako ni mommy upang mapigilan ang pag alis ko ngunit hindi ako nagpapigil. Taas noo akong umalis doon kahit na sinisigawan na ako ni daddy.

"Don't turn your back on me, Aurora!"

Hindi man lang ako nanginig sa boses niyang punong puno ng awtoridad. Habang naglalakad ako ng diretso ay alam kong nakasunod si mommy sa akin na halos tumatangis para sa mga pangyayari.

Hinarap ko siya nang nakalabas kami at namataan ko na naghahanda ang driver namin para sa pag alis. Niyakap ako ni mommy kahit na siya naman dapat ay niyakap ko dahil siya itong umiiyak.

"I'm sorry, anak. I'm sorry." Sabi niya.

Nanghina ako. Hindi ko na alam kung ano ba talaga. Sa akin ba may problema? Ako ba ang problema nila? Ako ba ang nagpipigil sa kanila para maging masaya? Masyado ba akong madamot sa pamilya ko kay Arielle? Anong magagawa ko kung talagang nasasaktan ako at namamadalian sa mga nangyayari?

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon