Kabanata 28

1.7M 36.4K 6.3K
                                    

Kabanata 28

Nervous

Tinukod ko ang aking siko sa pintuan ng sasakyan niya habang umaandar ito patungo sa tinukoy kong restaurant. Tinipa ko na kanina pa ang message ko kay Adrian na magkita kami roon ngunit wala parin akong natatanggap na reply galing sa kanya.

Halos isang oras akong sumubok na paandarin ang sasakyan ko kanina. Nang iinis na si Brandon sa harap at iritado na rin ako. Panay ang alok niya sa akin na ihahatid niya raw ako. Syempre, ayaw ko. Ngunit tsaka pa lang ako nag desisyon na payag ako nang nakitang lumabas ng elevator si daddy. Paniguradong pag nakita niyang naroon parin ako sa sasakyan ko kanina ay siya na ang maghahatid sa akin kaya pinili kong mag pahatid kay Brandon sa pagkakataranta ko.

Pangalawang beses nang tumunog ang cellphone niya. Ngayon ay pinindot niya ito habang natatraffic kami sa EDSA. Naka konekta iyon sa speaker ng kanyang sasakyan kaya ayaw ko mang makinig ay naririnig ko iyon.

"Mr. Rockwell, dumating na po ang blueprint ng dinesensyo niyong hotel. Naayos na ito ng architect." Sabi ng isang malalim na tinig.

"Okay, Hayes. Naka rest day ako ngayon. Ilagay mo na lang sa mesa ko. Bukas, titingnan at irereview ko iyan." Seryosong sinabi ni Brandon.

"Okay po." Sabi ng nasa kabilang linya bago naputol.

Pagkatapos niyang huminga ng malalim ay may tawag ulit at tungkol parin iyon sa trabaho. Hindi ko alam na seryoso pala siyang mag trabaho. Ang naisip kong ginagawa niya sa Highlands ay ang tumambay lamang doon mag hapon. Sumagi rin sa isip ko noon kung nagtatrabaho nga ba siya o ano.

"Mr. Rockwell, nag resign na si Miss Anne. Kanina siya nag pasa ng resignation letter. Tingin ko po ay kailangan niyong malaman iyan kaya ako ang tumatawag sa iyo." Ulit ng parehong malalim na boses.

"Oh! Bakit? Pwedeng pakikuha sa HR ang mga files sa pwedeng pumalit bilang sekretarya, Hayes? Kampante akong nagbabakasyon kasi binibigay niya sakin ang mga kailangan ko through email. She can't just resign. Kailangan niyang i turn over sa papalit sa kanya. Or at least train the new one." Medyo iritadong sinabi ni Brandon.

"Should I tell her to stay sir? Sasabihin ko bang iyan ang gusto mo?" Diskumpyadong tanong ng kabilang linya.

"Please, Hayes." Sabi ni Brandon bago pinutol ang kanyang linya.

Huminga siya ng malalim at pinaandar ang sasakyan. Halos marinig ko na ang frustration sa paghinga niya. Umirap ako sa ere at ngumuso.

"Nilayasan ka na naman ng empleyado mo. Baka pinatulan mo 'yon kaya umalis?" Sabi ko sa kawalan.

"Whoa! I'm not really friendly with my employees, Sweetheart." gulat niyang sinabi.

"Stop calling me that!" Umirap ulit ako. "Siguro ay masyado kang pala utos kaya nilayasan ka."

Nilingon niya ako. "Hmmm. Hindi ba iyon ang trabaho ng mga sekretarya? I tell them what to do and they do it. Is there a problem with that?"

"You sound like you're treating her harshly. Inhumane. Baka iniisip mong bagay siya, makina na kayang sumunod sa lahat ng gusto mo." Mariin kong sinabi.

"It's a matter of organization, Av. Marami akong trabaho. I'm always preoccupied with work during work. Kapag kaya ko namang ngumiti o makipag usap, ngingiti at makikipag usap ako. Your judgements about me are clouded with your anger, Sweetheart. Calm down." Ngumiti siya.

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon