Kabanata 9
Break
Hindi ko ininda iyong pagkakataranta ng mga taga kitchen sa nangyari. Kung ano man iyon ay kasalanan na iyon ni Brandon. It's either he's just really drunk kaya natalisod o talagang tarantado siya.
Pagkalabas ko ay nagtatawanan lang ang dalawang kasama niya habang kumakain sa mesa. Tumikhim ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko ang sumusunod na titig ni Ria sa akin.
"Ayos ka lang, ma'am?" tanong niya.
Tinanguan ko lang siya at pinunasan ko ang pawis sa noo ko bago dumiretso sa loob ng office at nagdesisyong mag kulong.
Brandon Rockwell is drunk. Like my ass! Don't make me laugh. Imbes na alalahanin ang nangyari ay naisipan kong tingnan na ang mga forms bago mag close para sa araw na iyon at i take over na ni Mr. Romualdo.
Kinuha ko ang ledger at binuksan ang software sa computer. Tatlumpong minuto ang lumipas bago ako natoon sa trabaho ko nang walang iniisip na iba. Nang natapos iyon ay eksaktong mag aalas nuwebe na. Hindi bale nang hindi ko nasama iyong mga bagong records. Minsan lang naman akong maagang gumawa nito.
Nag stretch ako ng braso bago binuksan ang pintuan. Agad kong napansin ang pagkakaroon ng konting tao. Syempre, dahil gabi na at mas gusto ng iba na matulog o di kaya ay mag indoor activities.
"Ma'am, a-out na po ako." paalam ni Ria nang nakita ako.
Tumango ako at nakita rin si Mr. Romualdo na nasa isang table kung saan puno ng matatabang Australyanong nakausap ko na kanina.
Nagulat ako nang pinasadahan ko ng tingin ang mga mesa at nakita si Brandon sa mesang inuupuan niya kanina. Mag isa na lang siya at ang kamay ay nakapatong sa mesa. Walang pagkain o inumin ang naroon.
Umiling ako at naghubad ng nameplate. Uuwi na rin ako. Tapos na ang trabaho ko dito at pagod na ako sa araw na ito.
Nilugay ko ang buhok ko at niswipe ang identification card sa computer ng cashier at nag log out. Pagkatapos non ay bumalik na ako sa opisina para kunin ang mga gamit ko. Ni hindi ko na tiningnan ulit ang mga mesa pagkalabas ko at dumiretso na ako sa labas ng clubhouse. Pero bago pa ako makatingin sa kalsada kung saan ako mag aabang ng van ay naroon na si Brandon at naghihintay na nakasandal sa kanyang Benz.
Suminghap ako at umiling. Iniba ko ang direksyon ng dinadaanan ko ngunit hinuli niya ako.
"Avon, let me drive you back to your dorm," malumanay ang kanyang boses nang sabihin niya ito.
"Kaya kong sumakay ng van, Brandon," sabi ko at nalingahan ang kanyang dumudugong kamay. Ngumiwi ako. "What happened to your hand?"
"Nabasag ko 'yong iilang plato sa kitchen."
"You're bleeding. Hindi mo 'yan pinagamot o pinahiran man lang ng tissue?" Tanong ko. I find it ridiculous. Why would he keep his wound that way?
Nagkibit balikat siya, "This is nothing." at tinago ang kanyang kamay.
Tumunganga ako sa kanya. Gusto kong umiling, irapan siya at iwan siya doon ngunit huminga na lang ako ng malalim at kinalkal ang bag ko para sa tissue at alcohol.
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...