Kabanata 52
This is Ridiculous
Suminghap si Brandon sa leeg ko at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin galing sa likuran. Nakapulupot sa aming dalawa ang puting comforter ng kanyang kama at ang panghapong araw ay sumisikat at naninilip sa kulay asul na kurtina ng kanyang kwarto.
"The next time you want to leave your house and go somewhere, please come here sweetheart," bulong niya.
Pinaglalaruan niya ang aking mga daliri at panay naman ang titig ko sa bawat galaw niya rito. Kung sana ay pwedeng tumakas na lang sa problema ng pamilya ko ay matagal ko nang ginawa.
Tumango ako ng marahan at humalik naman siya sa aking pisngi. Tumunog ang kanyang cellphone at ako ang kumuha nito sa maliit na mesa sa tabi lang ng kanyang kama. Nakita kong tumatawag ang telepono ng opisina niya.
"Hayaan mo na 'yan," sabi niya at hinalikan ang likod ng tainga ko.
"I really think we shouldn't be here. Nagpapabaya ka na sa trabaho mo. I'm your secretary, I'm supposed to arrange your schedules and work, too."
Humalakhak siya. "Isang araw lang naman. I miss you. And I know you've been so stressed yesterday. I'm sorry for not being there."
We spent the whole afternoon together. Kahit na may tumatawag sa kanya maya't-maya dahil sa trabaho ay nagawa parin niyang manatili sa condo. I actually feel guilty.
"Bukas, maaga na ako sa opisina," sabi ko habang umuupo sa high chair ng kanyang kitchen counter at sumimsim ng mainit na gatas.
Nagluluto siya ng para sa hapunan sa aming dalawa. Nilingon niya ako pagkatapos niyang hinaan ang apoy ng niluluto at humalukipkip siya.
"I'm gonna fetch you."
Tumawa ako. "Don't make me laugh. I'll check if my car is done at pwede na akong mag drive ulit."
Nagtalo kami tungkol doon. Masyado siyang makulit at inisip kong iyong pangamba lang naman niya kay Tyrone ang dahilan niyang gusto niyang mangyari. I assured him that we don't communicate though.
Inihatid ako ni Brandon sa condo namin ng mga alas otso ng gabi. Marahan kong sinarado ang pintuan at naabutan ko si mommy at daddy sa sala na nanonood ng TV.
Sinalubong agad ako ni mommy at hinalikan sa pisngi. Si daddy naman ay nagtanong lamang kung kumain na ba ako. Sinagot ko siya at dumiretso na sa kwarto.
That was it... iyon ang naging eksena sa sumunod pang linggo sa aming bahay. Sa opisina naman ay naging kasama ako ni Brandon sa bawat meetings niya. Hindi masyadong magaan at hindi rin naman full load ang trabaho. Hindi ko nga lang alam kung sinasadya ba iyon ni Brandon o talagang ganon ang sekretarya niya.
Tumunog ang elevator at napansin kong may dalawang naka suit na lalaking lumabas. Sa likod nila ay ang naka all white na si Madame Diana. Sa dalawang linggo ko dito ay ngayon ko lang siya nakitang naparito.
Malaki kaagad ang ngisi niya nang makita ako sa mesa. Tumayo ako para salubungin siya. Nagulat ako nang nakipag beso siya sa akin at hinawakan niya ang braso ko.
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...