Kabanata 13
Kasi
Kahit na nagpupumiglas ako ay nagawa niya parin akong marahang inilapag sa kanyang itim na kama. Bumangon ako kahit na ang sakit sakit ng ulo ko.
"What are you planning, Brandon?" Banta ko sabay turo sa kanya.
"What?" Kumunot ang noo niya. "Matulog ka riyan at ipagluluto kita." Tinalikuran niya ako at sinarado ang pintuan.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto.
"Brandon!" Sigaw ko kahit na hindi gumagalaw sa pagkakaupo sa kama. "Brandon!"
Walang sumagot kaya imbes na ulitin ay pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto niya. This can't be one of the guestrooms. Malaki ang closet nito at may ilang sapatos akong nakita sa gilid. May laptop na nakapatay doon sa kanyang desk. Agad kong nilingon ang pintuan at nanliit ang mata ko sa laptop.
His laptop might be the answer! or his cellphone.
Tumayo ako kahit na masakit ang ulo ko. Dahil nasa kanya ang kanyang cellphone, ang laptop lang ang mapag didiskitahan ko ngayon. I locked the door, in case he'll suddenly check on me.
Pagkatapos ay binuksan ko ang Macbook na naroon. Napapikit ako nang sinalubong ako ng username at password! Damn it! It's locked!
"Avon?" I heard him outside.
Mabilis ko iyong pinilit na patayin. Lumakas ang pintig ng puso ko at nataranta na. Nang umitim ang screen nito ay inunlock ko ang pintuan pagkatapos ay mabilis na humiga sa kama.
"Hmmm?" Nag kunwari akong natutulog.
Hinigit ko ang kumot at tinabunan ko ang katawan ko hanggang leeg at pinikit ko ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko sa mga biglaan kong kilos! Nahihilo ako. Mabuti na lang at nakahiga na ako kaya hindi na ako masyadong namroblema.
Bumukas ang pintuan. "Are you allergic to shrimp or any seafoods?" Si Brandon.
"Hindi." Malumanay kong sinabi.
"Alright. Magluluto ako ng seafood soup. Just sleep there, 'kay?" Malambing niyang sinabi at nilapitan ako.
Nakapikit ako at pinilit kong kumalma.
"Okay." Sabi ko.
Naramdaman ko ang init ng kamay niya sa noo ko. May kinuha siya sa drawer ko at bahagya akong dumilat para tingnan na digital thermometer iyon.
"Magtatawag din ako ng doktor to run some tests-"
"Huh?" Napadilat ako. "Tests? Flu lang ito, Brandon. Kagabi kasi diba, nilamig ako. Nasabuyan ako ng tubig kaya no need."
Ngumiwi siya. "Ako ang mag dedesisyon niyan."
Umiling ako at pumikit na lang ulit.
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...