Kabanata 42
Stay There
Hindi niya na ako binalikan sa kanyang opisina. Lumabas ako kahit na wala pang utos niya para magtanong kung nasaan siya pero may inasikaso di umano. Ayos lang ba 'yon? Ako na secretary niya ay walang alam kung nasaan siya?
Hindi hectic ang schedule niya ngayon. Iyong meeting lang naman ang schedule niya para sa araw na ito. Naisip ko tuloy kung gaano siya ka busy sa mga araw niya pag naroon siya sa Maynila. Panigurado ay mas hectic ang schedule niya roon.
"Oh, Miss Pascual. Di ka pa a-out?" Hinahagilap na ng isang empleyado ang mga papeles niya para makauwi na.
Nakapangalumbaba ako sa aking mesa. Pwede na akong umuwi pero wala pa si Brandon. Hindi ko naman siya kailangang antayin pero iniisip ko kasing baka bumalik pa siya.
Suminghap ako. "Susunod na ako."
Tumango siya at umalis na rin. Ilang sandali ang nakalipas ay nagpasya akong umuwi na lang din. Tinitigan ko ang cellphone ko sa loob ng van at inisip kong mag text sa kanya.
Ako:
Where are you?
Wala siyang naging reply kahit noong nasa loob na ako ng villa. Kaya imbes na antayin ang kanyang reply at magmukmok ay naisip kong maghanap na ng recipe para sa adobong manok.
Hinagilap ko ang kasangkapan niyon sa kusina ni Brandon. Naroon naman lahat ng sangkap nito. Dinirekta ako ng Google sa Youtube para makapanood ng video kung paano ito lutuin.
Nagsuot ako ng apron at ginaya na kung paano magluto. Inuna ko iyong cooking oil tsaka 'yong sibuyas at bawang. Ginisa ko ito.
Napaisip pa ako na kailangan din yata akong bumili ng mga pagkain dahil nakikikain lang ako sa mga pagkain ni Brandon. Mamaya ay sumbatan pa ako non dahil sa pagtira ng walang bayad doon.
Habang naglalagay ako ng toyo at tubig roon ay tiningnan ko ang cellphone ko na walang text kundi iyong nangungumustang si Tyrone, Jessica, at ang mensahe ni mommy na nasa ospital sila ni daddy para kay tito. Walang galing kay Brandon. Nireplyan ko isa-isa 'yong mga mensahe habang naghihintay na maluto ang manok.
Pagkatapos kong mag text ay tsinek ko ang manok at agad nahagip ng kawali ang palapulsuhan ko. Napasigaw ako sa sakit at hapdi ng pagkakapaso ko. Namula kaagad ito at nanatili ang hapdi nito ilang sandali ang nakalipas.
Natapos na ang pagluluto ko ng adobo at alas syete na ng gabi. Naluto na rin ang kanin sa rice cooker. Nilagay ko ang mga ito sa mga pinggan para maging maganda ang presentasyon. Kumuha rin ako ng juice at nilagay muna sa ref para malamig iyon mamaya pag balik ni Brandon.
Suminghap ako sa sala, iniinda ang paso ko sa palapulsuhan. Hindi naman siguro ito nakakamatay. Kaya lang, mahapdi. Hindi ko mabalewala.
Ilang sandali ang nakalipas ay napansin ko ang sahig na kahit sa carpet ay kitang maalikabok na. Ang alam ko, may bumibisitang taga linis dito. Hihintayin ko pa ba iyon?
BINABASA MO ANG
One Night, One Lie (GLS#2)
RomanceIt was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niya. For him, it was all just a game. For him it's pretend-love every night and the show is over every...