Kabanata 27

1.6M 36.7K 11.8K
                                    

Kabanata 27

Where Are You

Hindi ako makukuha ni Brandon sa kanyang mga galawan. The pain he inflicted was not a joke. Alam kong may kasalanan din ako sa nangyari. At some point, I fooled him too. Ang problema lang sa akin ay nanaig ang kagustuhan kong mapanatiling maayos ang pamilya ko imbes na alalahanin ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Aurora Veronica Pascual!" Umalingawngaw ang boses ni Adrian sa aking tainga.

Kagabi ay mabilis akong umalis sa dancefloor. Hindi ko matiyak ang naramdamang pag iinit at paghihimutok habang sinasayaw ako ni Brandon. I told him to back off. He did. He was almost like a well trained dog. Kaya niyang tuparin lahat ng hinihingi ko sa kanya kahit na ayaw niya.

Kinusot ko ang mga mata ko. Tumikhim muna bago nagsalita.

"Anong oras pa, Ad? Ba't ang aga mong tumawag?" Tanong ko, nakahilata parin sa kama.

"Tumawag kasi si Jessica bago sila tumulak ng Maldives ni Anton. Binilin niya na may Go-See mamaya para sa Fashion Summit. Since, you're unemployed and I'm on vacation, might as well try." Ani Adrian.

"Anong oras ba? Wala na ako sa agency. Hindi na ako active." Sabi ko kay Adrian.

"Three PM. Ayos lang. Pumunta tayo ng agency mamaya bago sa Go-See. Okay?" Aniya.

Tumango ako kahit na hindi niya naman ito nakikita. "Sige." Dagdag ko bago nag angat ng tingin.

It's 10 in the morning. Masyado nang nabaliktad ang oras ko simula nong umuwi ako ng Cebu. Halos tanghali na ako araw-araw kung gumising kasi umaga na ako umuuwi. Hindi ko pa tuluyang nabababa ang cellphone ko ay may tumawag na naman sa akin. This is my new line, I'm sure this isn't another random caller. Binuka ko ang mga mata ko at nakitang numero iyon ni mommy. Walang pagdadalawang isip ko iyong sinagot. Kabado kahit wala pa naman.

"Good morning, Av..." Malambing na bati ni mommy.

Kung anong nabunot na tinik sa sistema ko nang narinig iyon. I thought she's hysterical again because of my father's absence.

Umupo ako ng maayos at nagpasyang bumangon na pagkatapos ng usapan namin ni mommy. Nagpalpitate din ako sa kaba kaya imposibleng maka tulog pa ako ulit.

"Mom, how are you?" Salubong ko.

Humalakhak siya. "I'm fine. Ikaw? How's Jessica's wedding?"

"Fine. Umalis na siya, pumuntang Maldives para sa kanilang honeymoon."

"Oh! That's great! Nga pala... uuwi ka ba dito?" Bumagsak ang boses ni mommy.

Kinabahan agad ako. "Bakit po? I... I mean, oo." Kahit na sa totoo lang ay gusto ko munang manatili ng Manila para makapag hanap ng trabaho. May trabaho rin naman sa Cebu, but as long as daddy's not yet done with his case and this stupid half sister issue is not yet over, mananatili ako dito. That bitch can't own this part of the country.

"Kailan?" Mas banayad niyang tanong.

"I miss you, mom. Kailan mo ba ako gustong umuwi?" Bumagsak ang balikat ko.

Tumawa si mommy. "Hindi naman. If you want to find a work there, you may. Tsaka, baka rin pupunta ako diyan to be with your dad pag natapos na iyong case niya. Nagtatanong lang kasi ako, may dumating na mail kasi from Highlands. Naka address sayo. What is this?"

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon