MPD : Early

356 34 10
                                    

Rita's POV





"Ang sarap ng chicken wings no? The best talaga Wing zone! Wohooo.. thank you sa libre" masayang sigaw ko habang papauwi kami ni Ken sa bahay..










"Hindi yan libre.."








"Libre mo to!!! Susubuan na lang kita !!! Say Aaaaaa.." napangiti ako ng kinagat nito ang ibinigay ko sa kanyang chicken wings..






"Sarap nuuuuu!" masayang sabi ko habang sinisipsip ko ang sauce sa daliri ko..








"Punasan mo tong gilid ng bibig ko! May sauce oh!" reklamo nito at ganoon nga ang ginawa ko.









"Hindi ako sa bahay matutulog ngayon. Pakidala na lang bukas yung mga damit ko sa office, doon na lang ako magbibihis bukas.." sabi nito.








"Hah? Teka, mag cocommute na lang pala ako. Bakit di mo sinabing di ka uuwi. Sana di na lang ako sumabay.." nahihiyang sabi ko..








"No. Doon din naman ang way ko. Ihahatid lang kita sa bahay tapos aalis na ako.."







"Okay. Sige ako na magdadala ng pamalit mo bukas.."






Hindi na ako nagtanong pa kung saan ito pupunta or sino ang kasama niya. Pero may part ng utak kong gustong makichismis at malaman kung saan siya pupunta..










Pagkababa ko ng kotse ay inantay pa niya akong makapasok sa loob bago siya umalis.. Ibinaba ko na ang kurtina ng bintana ng mawala na ang kotse ni Ken sa paningin ko. Tsaka ko inabot kay RJ ang binili naming chicken wings..























Kinabukasan,






Inip akong naghihintay sa loob ng elevator para bumukas ito. Panay ang tingin ko sa relo ko at sa hawak kong paperbag.






Pagbukas ng elevator ay mabilis akong tumungo papunta sa office ni Ken. Pero bago pa man ako lumiko papunta sa office niya ay sinalubong na niya ako. Mabilis niyang kinuha ang dala kong paperbag.





"Pumasok ka sa office ko." utos nito pagkaabot ko ng paperbag at ganoon nga ang ginawa ko. Sumunod ako sa kanya sa loob ng office. Sa sobrang aga namin dito ay tanging mga janitor at guards pa lang ang nandidito. Inagahan ko talaga ang pagpunta para hindi ako ma-late.




Pagpasok namin doon ay agad niyang binuksan ang aircon tsaka pumasok sa CR para makapagpalit siya.. Ako naman, nilabas ko ang makeup kit ko para makapag-ayos ng sarili dahil umalis ako ng bahay na pagkain ng breakfast at pagligo pa lang ang nagagawa ko.. Mabilis kong kinuha ang blush on at lipstick.. Mabuti na lang at may malaking salamin sa office ni Ken kaya madali na lang mag-ayos dito.. Paglabas ni Ken ay nagsisimula na akong magkilay.. Tumabi ito sa akin at humarap din siya sa salamin. Inabot ko sa kanya yung wax niya sa buhok tsaka ko pinagpatuloy ang pagkikilay..




"Okay na ba?" tanong nito sa akin pagkaharap niya at tinuturo nito ang pagkakaayos niya sa buhok niya.. Lumapit ako dito at tiningnan ng mas malapit ang gilid ng buhok nito.. Ng mapansin kong may kailangan pang ayusin ay ako na ang naglapat ng kamay para maayos iyon..




Pinacheck din nito ang suot niyang longsleeves at kwelyo nito at tulad ng kasanayan ay tinulungan ko itong maglagay ng necktie niya.. Pinagpag ko ang longsleeves nito ng mapansin kong napahiran ko yata ng foundation..





My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon