Ken's POV
Nagising ako ng maramdaman kong nag vibrate yung phone na hawak ako. Napaangat ang tingin ko sa orasan. Malapit ng mag 7pm kaya nagpasya na akong tumayo at tumingin sa salamin para ayusin ang nagulo kong buhok. Pagsilip ko sa labas ng kwarto ko ay naabutan ko si Ritang sinasayaw si Oslo. Napangiti ako ng mapansin kong nakapikit si Rita habang sumasabay sa beat ng classical music.. Feel na feel nito ang bawat pag indayog.. Dahan dahan akong lumapit dito at hinihintay kong mapadilat siya..
Nakangiti kong sinalubong ang pagdilat niya kaya napaatras ito. Mabuti na lang at mabilis ko siyang nahigit kundi ay natumba na siguro sila ni Oslo.
"Ano ba, magdahan-dahan ka nga!!!"
"Kasi naman Ken! Sanay ka talaga sa ganyan! Bigla na lang sumusulpot! Magkakasakit ako sa puso ng dahil sayo eh!" inis na sabi nito..
"Hindi ako heart breaker kaya safe ka sa akin." biglang hirit ko dito kaya napansin kong nagulat ito. Nag-iwas ako ng tingin dahil pati ako ay nagulat sa sarili ko.
"May pagkain na ba? Nakakain ka na?" tanong ko dito..
"Nakaluto na ako. Gigisingin sana kita after ko makinig ng music pero ayan ka na eh, gising kana.. So ano? Dinner na tayo?" tumango ako sa sinabi nito tsaka ko kinuha si Oslo sa kanya para makapag prepare na ito sa lamesa..
Hinatak ko ang crib ni Oslo papunta sa pinto ng kusina para mailagay ko ito dun. Para nababantayan parin namin kahit kumakain kami. Hinalikan ko ang ulo ni Oslo tsaka ko nilapag sa crib.
Kinabukasan...
Palipat-lipat ang tingin ko sa daan at kay Rita na kasalukuyang nakatulog na habang papunta kami ng Tagaytay. Kalong-kalong nito si Oslo na kapareho niyang tulog. Mabilis kong kinuha ang phone ko dahil nagriring ito..
"Bakit Feliciano?"
"Ang init naman ng ulo. Parang may naistorbo yata ako ng ganito kaaga. HAHAHAHA. Nasaan ka? Kita tayo."
"Papunta kami ng Tagaytay ngayon."
"Kami? Sinong kasama mo?"
"Yung kasama ko sa bahay."
"Si Rita? Talaga ba? Oyyy."
"Tss. Anong Oyyy. Tss. Bakit mo gustong makipagkita?? Tungkol ba yan sa pinabili kong property? Pwede naman tayo magkita bukas."
"Next week na lang. Ayokong sirain ang weekend niyo ni Rita.." natatawang sabi nito.
"Siraulo. Sige na. I'm driving."
"Don't forget to use protection hah! Hahahaha——" hindi na nito natapos ang pagtawa ng e-end ko ang call. Napailing ako at napangiti. Napatingin ako sa tulog na kasama ko. Ang payapa ng paligid kapag tulog ito. Walang ingay.
Rita's POV
NANG MAGISING ako ay wala na si Oslo sa kandungan ko. Wala na rin si Ken sa tabi ko. Pagtingin ko sa bintana ng kotse ay nakita ko si Ken na nakatayo at nakasandal sa kotse niya at karga-karga si Oslo. Ginala ko ang mata ko at ang magandang tanawin ng bulkang Taal ang nakita ko. Mabilis akong bumaba ng kotse at dinama ang malamig na ambiance ng Tagaytay..
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."