MPD : Lost

401 37 5
                                    

Rita's POV








Nagmadali akong umakyat sa bus kung saan naglalaman ng ilang mga empleyado ng Ka-Vogue. Papunta kami ngayon sa Batangas para sa aming Team Building. Bitbit ang isang malaking bagpack ay naghanap ako ng bakanteng upuan.. Napatingin ako sa bandang dulo ng kumaway-kaway si Tosh at Iza.. Pero mukhang wala ng bakante doon..













"Miss Rita, sa harap. Diyan na lang ang vacant.." rinig kong sabi ni Aimy, ang secretary ni Ken. Ang laki ng ngiti ko dahil wala akong katabi at solong-solo ko ang upuan na pang dalawahan.. Mabilis kong binaba ang dala kong bag at inilapag iyon sa tabi ko.. Nararamdaman kong papaalis na ang bus kaya mabilis kong kinuna ang phone ko at nagbrowse ng music.. Nagsisula ng umalis ng huminto ang bus. Bumukas ang pinto at pumasok doon si Ken..














Akala ko ba ay hindi siya sasama? Kagabi ko pa yan hindi kinikibo dahil ilang beses ko ng pinilit na sumama pero ayaw nito at may mga reports pa daw itong tatapusin. Kaya nga na-late ako ngayon dahil nahirapan akong magpara ng taxi papunta lang dito.. Tulog pa yan ng magising ako kaya nagtataka ako kung anong pinunta niya.
















Baka naman papangunahan lang ang dasal at aalis na rin pagkatapos. Sus.





















"Sir Ken? Good Morning!" bati ng mga empleyado dito at ngumiti ito.. Nakasuot ito ng shades at tila naghahanap ng mauupuan.. Napatingin ito sa gawi ko at pasimple akong umiwas ng tingin at hindi ko talaga tinanggal yung bag kong nakalapag sa upuan.











As expected, kinuha nito ang bag ko na nakalapag sa tabi ko at ibinaba sa sahig. Aba! Nadumihan na yung bag ko!!!!! Aaargghh..


















"Hindi tayo makakaalis kung wala akong mauupuan." seryosong bulong nito... Kinuha ko yung bag ko mula sa pagkakalapag niya dahil madudumihan iyon pero inunahan niya ako. Siya na ang nagtaas at inilagay sa lap ko..
Yung dumi nasa pants ko na! Bwisit talaga to! Nang-aasar ba to hah!!!














"Ken!! Ang dumi!!" halos inis pero pabulong na sabi ko dito..











"Bakit naman kasi ganyan kalaking bag ang dinala mo? 2 days lang naman tayo doon.." natatawang sabi nito..











"Pakialam mo ba hah? Tyaka diba may kotse ka? Bakit hindi ka na lang nauna doon at dito ka pa talaga nakipagsiksikan??" iritang tanong ko dito..










"Puyat ako, kailangan kong matulog." sabi nito at napansin kong sumandal na ang balikat nito sa upuan.. Siguro ay nakapikit na ito, hindi ko kasi masyadong makita dahil nga naka shades ito..








Subukan mo lang ihiga yang ulo mo sa balikat ko, lilipad ka papunta sa likod! Naku! Sinasabi ko sayo!!!  bulong ng isip ko. Mabuti naman at alam niya kung saan ilulugar ang mga kilos niya. Nasa loob kami ng bus kung nasaan andodoon ang halos lahat ng empleyado ng kumpanya.. Mahirap ng gumawa ng kakaibang kilos dahil bawat galaw may masasabi at masasabi. Ayokong masira at pag usapan ang pangalan ni Ken ng dahil sa akin.















Nagising ako ng maramdaman kong nangangawit na ang kanang balikat ko. Pagdilat ko ay nakahiga na pala si Ken sa balikat ko.. Nagulat ako at dahan dahan kong iginala ang mga mata ko kung may nakakakita ba.. Nakahinga ako ng maayos ng mapansin kong tulog na din ang mga tao sa loob ng bus. Pagtingin ko sa harap ay nagtama ang paningin namin ng manong driver ng bus, si Manong Dante.. Isa sa matagal ng driver sa kumpanya. Ngumiti ito at tila nang-aasar.. Shocks. Kanina pa ba niya kami nakikita. Juskooo naman! Ken Chan!!!















My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon