MPD : Reklamo

324 32 3
                                    

Ken's POV





AFTER work, dumiretso ako sa bahay ni Feliciano. Aminado akong mas magaan ang trabaho ko ngayon sa Ka-vogue compared sa kumpanya ni Dad. Mas nagkakaroon ako ng oras para sa mga hilig at ibang bagay bukod sa trabaho.







Pagkaparada ko ng kotse ay natatanaw ko na agad si Feliciano sa taas ng balcony nito at sinalubungan agad ako ng dirty finger. Napailing at natawa ako... Abogado ba talaga tong kaibigan ko? Tss.














"Anong pinunta mo dito?" bungad na tanong nito.










"Para namang hindi na ako welcome sa bahay mo hah?" inis na sabi ko dito sabay upo sa paborito kong couch dito sa kwarto niya.. Inabot ko ang binigay nitong beer..














"May problema ba?" tanong ni Feliciano kaya natawa ako.









"Kailan ba ako nagkaroon ng problema hah? Anong tanong yan? Nakakagago Dude!"








"Eh ano bang pinunta mo dito? Don't tell me nakabuntis ka?" binato ko agad yung unan sa loko-loko..










"Paano ako makabuntis? Hindi naman ako bumibili ng butas na condom." sagot ko dito.









"Umuwi ka na nga, pinipilosopo mo tong Abogado mong kaibigan.."










"Abogago!"











"Loko-loko.."









Tumayo ako at lumapit sa side table ni Feliciano na punong-puno ng mga makakapal na libro..








"Yung property na pinaayos ko sayo sa Batangas? Kamusta na?" tanong ko dito habang isa-isa kong binabasa ang mga title ng libro nito na nasa mesa.







"Ken, bakit mo ba minamadali yung pagbili sa property na yun sa Batangas hah? Tsaka bakit ba ang hilig mong mag-invest ng mga lupa at ibang property eh wala ka namang balak mag-asawa. Hindi mo naman masasama yung mga lupang iyon sa impyerno pag namatay ka."





"Tarantado! Alam ko namang magkikita din tayo sa impyerno!" natatawang sabi ko dito.








"Sagutin mo ang tanong ko, bakit ka bumibili ng mga lupa hah? Wala ka namang pagmamanahan niyan.. or else , nagbago na ang mga plano mo sa buhay.. May balak ka na bang mag-asawa?"









"First, pumunta ako dito para mag follow up about sa property ko sa Batangas. Second, hindi ako aware na imbestigador na din pala yung Abogago kong kaibigan."









"Siraulo! Abogago ka diyan!! Highest paid lawyer ako ng bansang ito. Galangin mo ako."









"Hindi mababago ang mga plano ko sa buhay. Bumibili ako ng lupa dahil iyon ang mga bagay noon na wala ako, na wala kami. Hindi naman ako pinanganak na nakukuha ko ang gusto ko. Lahat ng meron ako ngayon ay pinaghirapan ko, magkaroon lang ng tiwala at maging proud yung Dad ko at ang pamilya niya sa akin."







"Proud ako sayo Dude. Kahit na hindi normal yung pamilyang meron ka—"







"Hindi ko naman ikinahiya na anak lang ako sa labas ni Dad. Hindi naman ako pinabayaan ni Mama noon. Hindi din sila nagkulang ng pagmamahal sa akin.."






My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon