MPD : Oslo

360 31 10
                                    

Rita's POV








"What the f*ck! Bakit may baby sa ilalim ng kotse ko?" rinig kong sigaw ni Ken kaya lumapit ako sa tinutukoy nito. Nakita ko ang isang basket.. Pagkalapit ko ay nakita ko agad ang tila anghel na mukha ng isang baby.. Namumula pa ang pisngi nito dahil sa pag-iyak..








"Baby nga! Totoo!" sabi ko habang dahan-dahan kong inuusog ang basket palapit sa amin dahil nasa ilalim nga ito ng kotse..
















"Kanino yan??!" inis na sigaw ni Ken.












"Aba malay ko!!!"











"Baka anak mo yan Rita hah!"










"Excuse me! FYI, Sa sexy kong ito? Mukha na ba akong nagdala ng bata sa sinapupunan ko hah? Teka, baka anak mo to! Isa to sa mga anak mo sa dami ng babae mo!!! Tama!!!"













"No! That's not mine! Branded ang condom ko Miss!" inirapan ko ito.










"I don't care kung branded ang condom mo! Malay mo! May nakalusot!!! Duuuuuuh!!! Di naman safe ang condom, lalo na sa mga lalaking mahilig—-"









"Enough! Nonsense ang mga sinasabi mo. Hindi ko yan anak! Wala akong anak." Seryoso akong nakatitig sa mukha ng bata, singkit kasi ang mga mata nito at maputi ang kulay. Halata mong may Chinese blood kaya mabilis kong pinaghinalaan si Ken..









"Kunin mo to! Kargahin mo!" utos ko kay Ken.









"No way! Hindi ako marunong magbuhat ng bata! Tsaka bakit ko hahawakan iyan? Baka kasuhan pa ako ng mga magulang niyan!"












"Ang arte mo naman! Kakargahin mo lang eh! Hmpp, sige na, ako na ang magbubuhat pero before ko siyang buhatin, i-checheck ko muna kung boy ba ito or girl—— Aray! bakit mo hinampas yung kamay ko hah?"









"Wag mong hawakan yung bata! Baka ikaw yung kasuhan diyan! Bahala ka! Hindi kita tutubusin sa kulungan!"








"Hindi ako makukulong! Ang dapat na makulong ay yung mga magulang ng batang ito! Gusto pa yata nilang patayin yung bata eh! Biruin mo, nilagay nila sa ilalim ng kotse mo! Paano kung pinaandar mo yung kotse kanina! Edi ikaw tong makukulong dahil nakapatay ka! Tsk tsk! Bakit ba may mga ganyang mga magulang! Madaming gustong maging magulang pero hindi sila mabiyayayan ng anak pero yung mga tao na naging magulang, ayaw sa anak nila? Tsk. Bakit ang unfair unfair ng universe na yan talaga!!!"










"Don't touch the baby. Tatawag ako ng pulis.."











"No! Ken! Wag!"










"Bakit?"










"Tatawag ka ng pulis tapos ano? Ibabalik nila yung bata sa mga magulang niya? Tapos ano? Papatayin na naman? No! Makakaya ba ng konsensya mo hah? Wag kang tatawag ng pulis! Ako! Ako ng maghahanap ng mga magulang nito!"










"Ano? Ikaw ang hahanap? Hindi ka pulis!"










"Hindi ako pulis. Pero tao ako at kaya kong magpakatao para sa kapwa ko! Aalagaan ko tong bata na to habang di ko pa alam kung sino ang mga magulang niya.."







My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon