MPD: Found

870 46 40
                                    

Rita's POV








TANAW ang ganda ng karagatan mula dito sa resthouse ni Ken sa Zambales. Wala akong ibang lugar na naisip na pagdadalhan kay Oslo kundi dito.







Alam ko, mali itong ginawa ko pero pansamantala lang ito. Gusto ko lang magkaroon ng medyo mahaba pang oras na makasama si Oslo. Yung kaming dalawa lang. Hindi ko alam kung paaano ako magpapaalam sa kanya.




Nang dumating siya sa buhay ko, kagulo ako nun.. Nagpatong-patong ang problema ko, sa bahay, kay Ken, at ang problema ko sa province.. Pero lahat ng problema ko, nabura lahat. Sa bawat ngiti , pagtitig na binibigay nito sa akin, grabe.. Siya ang life saver ko. My angel. Sobrang laki ng pasasalamat ko ng makilala ko ang batang ito.. Sobra..












Naririnig ko ang hagikgik ni Oslo habang nakasakay ito sa stroller habang tulak-tulak  ko dito sa dalampasigan..













Alam kong magagalit si Ken sa ginawa kong hindi pagpaalam sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ko pagbalik ko ng Manila.







Gusto ko lang naman makasama ng mas matagal pa si Oslo. Gusto kong magpaalam sa kanya. Mahal na mahal ko na yung bata..
















Napakaganda ng lugar  na ito. Totoo. Ang resthouse ay may katapat na napakagandang karagatan.. Kasabay ng pagsikat ng araw ay ang pagkislap ng mga alon dahil sa liwanang na tumatama dito.. Binuhat ko si Oslo at hinalikan ko siya sa mukha kasabay ng pagkuha ko ng selfie kasama siya.














Muli na namang nanubig ang mga mata ko.




































Ken's POV

"Pero paano kung may masamang nangyari kay Rita at Oslo??? Feliciano! Paano ako hihinahon! Kagabi pa natin sila hinahanap! Wala siya sa bahay ng mga kaibigan niya! Hindi ko na alam kung saan ko sila hahanapin!!" natatarantang sabi ko kay Feliciano..




"Sa province nila? Hindi kaya umuwi siya?"





"That's impossible Feliciano! Alam kong hindi siya pupunta doon. Alam ko hindi.."




"Paano ka naman nakakasigurado?"






"Ayaw niyang madamay ang mga magulang niya sa problema niya! Kilala ko siya. She wants to keep it by herself."







"Alam na ba ni Oliver to?"







"Oo, nakausap ko na siya kagabi, tumutulong na din siya sa paghahanap kay Rita.." sabi ko dito.. hindi ako mapakali. Kanina pa ako palakad-lakad hanggang sa napasuntok na ako sa pader dahil sa frustration.




"Dapat hindi ako umalis sa tabi niya. Dapat hindi ko siya hinayaang mapag-isa.."







"Wala ka ba talagang maisip Ken na pwede niyang dalhan kay Oslo? Sa dati niyang apartment, napuntahan mo na ba?" napatayo ako at naalala ko yung mga duplicate keys na binigay ko sa kanya noong nag propose ako..








"Shit! I think, alam ko na kung nasaan siya!"



























"No way!! Engaged na kayo? Paano? Sobrang bilis naman yata?" natatawang tanong ni Feliciano at narinig kong tumawa din si Oliver na nasa backseat ng kotse ko.






My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon