MPD : Weak

528 36 8
                                    




Ken's POV






Nagmadali kaming pumasok ni Feliciano sa kwarto ni Rita ng makarinig kami ng tila nabasag na baso sa kwarto..








"Ano pong nangyari?"





"Nasagi kasi niya yung baso sa gilid ng table.. Nung inusog niya yung unan sa gilid ng kama niya.."




"Hindi parin siya gumising?"






"It takes 8-10hrs bago siya gumising.. Pero kailangan paring bantayan.." napaupo ako sa gilid ng kama nito at muli kong kinuha ang kamay nito para hawakan..


























Bago sumikat ang araw, bitbit ang bagahe para pumunta ng airport ay sinilip ko muna si Rita na kasalukuyang natutulog parin sa kama nito. Ngayong araw ang flight namin ni Rebecca papunta sa Singapore kung saan gaganapin ang opening ng new branch niya doon.






Matapos ko itong silipin ay tuluyan na akong naglakad palabas ng bahay. Hindi pa man ako nakakalabas sa maindoor ng makarinig ako ng pagsigaw..













Mabilis kong binitawan ang bag ko at nagmadali akong pumasok sa room ni Rita.. Nilapitan ko ito at niyakap ng makita ko itong umiiyak.. Umiiyak ito habang yakap yakap ako..






"Ke-Ken, ang sama ng panaginip ko.. Iniwan niyo na daw akong lahat. Si Oslo, Si Mommy, Si Daddy.. Ken, Ken, pati ikaw, iniwan mo na daw ako? Hindi mo iyon gagawin diba? Ken?" umiiyak na sabi nito.. Para itong naalimpungatan mula sa matagal na pagkakatulog.. Tila nakalimutan nito ang nagawa ko noong isang gabi. Punong-puno ng lungkot ang mga mata nito na para bang may pagmamakaawa na huwag ko itong iwan. Masakit para sa akin na nakikitang ganito si Rita. Yung mga ngiti na dati kong nakikita ay tuluyan ng nawala. Kinakain ako ng guilt. Sana hindi ko na lang nasabi sa kanya iyon. Tama si Feliciano, sa pagkakataong ito, hindi ko na naman siya naprotektahan.







Umupo ako sa gilid ng kama nito at nakahiga ang ulo nito sa balikat ko. Sinusubukan muli nitong matulog . At sana sa pagtulog nitong muli ay maging payapa na ang isip nito. Inabot ko ang kamay nito at hinawakan. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ko siya iiwan. Gusto kong makatulog siya ng maayos.. Gusto kong mabawasan manlang ang sakit na nilikha ko dito.. Hindi ko pa ito napapatawad pero ayokong pairalin ang galit ngayon, kailangan niya ako.










"Huwag mo akong iwan.." pabulong na sabi nito pero nakapikit na siya..









"Dito lang ako.." bulong ko dito at ngayon ay naramdaman kong mas hinigpitan ni Rita ang paghawak sa kamay ko..







































Rita's POV


Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko.. Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko.. Malinaw sa ala-ala ko ang sinabi ni Ken..












"Dito lang ako.." tumayo ako sa kama at kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Ken.. Walang nagbubukas dito kaya nagdesisyon akong buksan ito..











Empty room.












Nilingon ko yung kulay itim na luggage niya pero wala iyon sa dating lagayan. Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong bumigat.. Hindi ko namamalayang bumagsak na naman ang mga luha ko kasabay ng pagpasok ng mga ala-ala sa sinabi nito sa akin...






My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon