MPD : Isla

485 38 11
                                    

Rita's POV










Nagising ako ng maramdaman kong may mga nagliliparang kung anong insekto sa balat ko..








"Ano yun? Lamok ba yun?" biglang sabi ko. Napansin kong nagdilat na din ng mata si Ken..







"Okay ka lang? Anong insekto?" tanong nito..







"Hindi ko alam, parang may pumasok na gamu-gamo sa ilong ko eh.." sabi ko dito at tinawanan niya ako..














"Anong oras na?" tanong nito at chineck ko ang phone ko. It's already 7pm.. So mga higit isang oras na kaming nakatulog dito sa bangka.. Iginala ko ang mga mata ko sa madilim na karagatan ng may mapansin akong ilaw mula sa Isla. Nanlaki ang mata ko.. Mabilis kong tinapik si Ken at tinuro sa kanya ang nakikita ko. Isa itong isla..





"Ken! Isla !! May Isla!" masayang sabi ko dito.. Nagtulungan kami ni Ken na gawing sagwan ang mga kamay namin para kahit papaano ay makalapit kami sa nakikita namin Isla.. Makalipas yata ng higit isang oras ay nakarating na kami sa Isla.















Pero ang Islang ito ay walang katao-tao. Maliit na Isla lang ito at tanging isang Ilaw lang na kulay pula ang nandodoon sa taas ng malaking bato.. Tinulungan akong bumaba ni Ken sa bangka..













"Mas safe naman siguro dito kumpara sa dagat na yan.." rinig kong sabi ni Ken. Nakasunod ako dito habang naglalakad ito.. Naghahanap kami ng pwedeng maupuan or lugar kung saan kami pwede magpalipas ng magdamag..  Nang makakita kami ng isang malaking bato sa gilid ng dalamapasigan ay agad namin itong pinuntahan.. Doon kami umupo para kahit papaano ay makapagpahinga dahil sa pagod..





"Nagugutom ka na ba?" tanong ni Ken sa akin at tumango ako. Ang huling kain ko ay kanina pang lunch kaya ngayon ay gutom na talaga ako..




"Dito ka lang, maghahanap lang ako ng pwedeng panglaman-tiyan.." sabi nito sabay tayo.





"Ken, sasama ako.."







"Delikado. Gubat ang papasukin natin.."







"Kung delikado naman pala, wag ka ng pumasok diyan. Okay lang ako. Kaya ko nang tiisin tong gutom.."





"Kilala kita, hindi ka nakakatitiis sa gutom.."










"Pero Ken.."





"Tara.." nakangiting sabi nito at inilahad niya ang kamay niya. Hinawakan ko naman ito at sabay kaming pumasok sa maliit na kagubatang hindi namin alam kung anong kahahantungan namin doon..













"Saging. Sakto." napatingin ako sa tinitingnan ni Ken. May isang maliit na kubo doon at sa gilid nun ay may puno ng saging.. At dahil mababa lang ang puno ay nakakuha si Ken ng isang piling ng saging..






"Walang tao dito? Bakit kaya may kubo dito.."







"Dito na lang tayo magpalipas ng gabi Rita. Siguro naman, may dadating na tulong mula sa kanila bukas... Tsk, dapat sa mga oras na ito ay meron na. Magsasampa talaga ako ng kaso sa management ng resort—"








"Ken. Wag na. Kasalanan ko naman to eh. Sorry.."










"Rita, kung may incident na ganito, responsability nila tayo. Ang kaligtasan natin. Hindi dapat nila pinagpapabukas yung paghahanap sa atin!" bigla kong niyakap si Ken. Ewan ko. Feeling ko ito yung tamang gawin para mapakalma ito.. Alam kong pagod na pagod na din ito..












My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon