Rita's POV
TATLONG araw na akong naka leave and so far ay naeenjoy ko naman. Nagkakaroon kami ng bonding ni Oslo na talagang nakakapagpagaan ng problema ko.
Maagang pumasok si Ken ngayon. Ilang araw na kaming hindi nagkikibuan magmula nung gabing nagkasagutan kami. Naiinis ako kasi hindi ko siya magawang kausapin.. Naiilang ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Natatakot ako na baka masyado tong tahimik ay may balak na itong magsumbong sa mga pulis at kunin sa akin si Oslo. Wala naman akong masamang pakay sa bata.. Gusto ko lang tong protektahan sa abot ng makakaya ko. Kaya nga gumagawa ako ng paraan para mahanap ang mga magulang nito.
Lumabas kami ng bahay para mapasyal ko si Oslo sa buong village. Paglabas namin ng gate ay may biglang tumawag sa maganda kong pangalan..
"Rita!"
"Ay! Hello po Lola.." naiilang na sabi ko dito. Siya yung Lola na kumausap sa akin before. Yung Lola na nakatira sa katabi naming bahay. Naiilang ako dahil nakatingin ito kay Oslo na hawak-hawak ko..
"May anak na pala kayo iha— Ang gwapong bata naman niyan! What's his name?" Mygosh. Ito na naman tayo sa akala niyang asawa ko si Ken at napagkamalan pang anak namin si Oslo. Juskooo. Di ko nakikita ang sarili kong magiging asawa yung walanghiyang iyon. No-No.
"Oslo po ang name niya Lola.." nahihiyang sabi ko dito.. Napansin kong nakangiti itong nakatingin kay Oslo.
"Nice name! Bagay sa kanya.."
Naiilang akong ngumiti. Nagtataka ako kay Oslo ng bigla itong humagikgik ng mapatingin kay Lola kaya natawa din kami.. Nagpapapadyak ito na tila gustong magpakarga kay Lola.. Naiintindihan kaya ni Lola ang gesture ng bata kaya binuhat niya ito..
"Hello Oslo. Nice to meet you!" sabi nito kay Oslo kaya napangiti ako..
"Iha, saan ba ang punta niyo ni Oslo?"
"Ah wala naman po, maglilibot lang sa Village.. Medyo boring po kasi sa bahay kaya naisipan kong ipasyal si Oslo.."
"Tara dito sa loob ng bahay ko iha, may niluto akong baked spaghetti.. Ipapatikim ko sayo.."
"Ta-talaga po? Ipapatikim niyo sa akin?"
"Oo. Gusto kong malaman if pwede na bang ibenta ito online.. Kung okay ba ang lasa.."
"Ipapatikim niyo po sa akin ng libre? Go ako diyan Lola!" naeexcite na sabi ko at sumunod na akong pumasok sa loob ng bahay nila..
Pagpasok namin ay namangha ako sa ganda ng Interior ng bahay. Ang laki ng bahay nito.
"Ang ganda naman po pala ng bahay niyo Lola. Ilan po ba kayong nakatira dito?"
"Bagong bili lang namin itong bahay iha. Nauna lang yata kami ng isang taon sa inyo. Sa Cabuyao Laguna talaga kami nakatira dati kaso nagkaroon ng problema sa lupa kaya napilitan kaming lumipat. Yung mga anak namin, may kanya kanya na ding pamilya kaya dalawa na lang kami ng asawa kong nakatira dito.."
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."