Rita's POV
"Ssshh.. Tahan na.. Papasok na si Tata eh. Kay RJ ka muna oh.." sabi ko kay Oslo dahil iyak ito ng iyak kapag binibigay ko kay RJ. Hindi ako makaalis dahil sa pag-iyak nito. Sinabit ko muna yung shoulder bag ko sa door knob ng pinto dahil hinihele ko si Oslo.
"Aalis ka na?" tanong ko kay Ken ng lumabas ito ng room niya at bihis na bihis na. Dadaan sana ito sa pinto pero nakaharang kami ni RJ dahil nga pinapatahan namin si Oslo.
"Akin na, ako ng magpapatahan.." sabi ni Ken ng makita niyang iyak ng iyak nga itong bata. Iniabot ko naman ito sa kanya. Nagkatinginan kami ni RJ ng biglang tumahan si Oslo..
"Ayuuun, pati ba naman bata ginayuma mo? Bakit siya tumahan sayo hah?"
"See. Mas mahal ako ni Oslo kesa sayo."
"Ay hindi totoo yan. Akin na nga yan!" sabi ko at ng akmang bubuhatin ko ito ay iniiwas ni Ken ang bata. Aba!
"Ibigay mo na kay RJ si Oslo. Mukhang di na yan iiyak ulit. Dahan-dahanin mo lang."
"Paano ba yan? Mas napapatahan ko na si Oslo kesa sayo? Iniiwan mo kasi siya ng matagal na oras eh.."pang aasar nito. Ewan ko ba pero napipikon ako. I hate it. Mas gumagaan ang loob ni Oslo kay Ken. Isang araw lang niyang naalagaan yan hah! Hmp.
"RJ, pakikuha na nga si Oslo. Aalis na kami." seryosong utos ko kay RJ. Akmang kukunin na ni RJ si Oslo ay ayaw ibigay ni Ken.
"Kunin mo." sabi ni Ken sa akin kaya ako na ang kumuha kay Oslo. Pero nang ako na ang kukuha ulit ay iniiwas niya si Oslo at ang mukha niya ang inilapit niya sa akin. Nanlaki ang mata ko ng kamuntikan ng tumama ang labi ko sa labi niya.. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Titig na titig ako sa mga mata nito. Gusto kong basahin ang sinasabi ng mga mata nito pero hindi masyadong malinaw. At ang ikinaiinis ko ay parang gustong gusto ng taksil kong puso ang natatanaw ng mga mata ko..
"Aray!!! Rita——-!!!"
Inapakan ko lang naman gamit ang heels ko ang mamahaling sapatos ni Ken tsaka ko kinuha si Oslo sa kanya at ibinigay kay RJ. Hindi ko narinig na umiyak si Oslo.. Mga hagikgik nito ang naririnig ko na para bang tuwang-tuwa sa ginawa ko kay Ken. Very good ka diyan Oslo. haha..
"Papasok ka na?" rinig kong sabi nito. Nakasunod si Ken sa akin habang naglalakad ako palabas ng gate.
"Hindi. Uuwi na. Haayss." sarkastik na sabi ko dito.
"Sumabay kana sa kotse.." napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Nakapameywang ako at pinaningkitan siya ng mata.
"Anong nakain mo hah?"
"Wala nga eh.." sagot nito at napakamot ako sa ulo ko.
"Isasabay mo ako?"
"Pumasok ka na ng kotse bago magbago ang isip ko.." seryosong sabi nito kaya nagmadali akong pumasok sa kotse niya. Umupo ako sa front seat bilang paggalang narin dahil sa maagang kabaitang binigay niya. Choss. Nakatingin lang ako dito habang papasakay siya sa kotse niya. Nagtataka ako kung bakit hindi na ito nagrereklamo pagdating kay Oslo. Kahit na naka office attire na ito ay binuhat pa niya si Oslo at wala lang sa kanya kahit medyo nagusot na yung harapang bahagi ng suot niya. Bumaba ang tingin ko sa suot nito.. Medyo tabingi yung necktie niya dahil siguro sa pagkarga niya sa bata..
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."