Rita's POV
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto habang nakatingin sa natutulog na si Oslo. Palipat-lipat ang tingin ko sa phone ko at sa mukha ni Oslo. Ken texted me na may biglaang meeting kami ngayon with Rebecca. Pero hindi ko maiwan-iwan si Oslo dahil walang magbabantay dito. Umalis sila Lola kasama si RJ. Linggo naman kasi ngayon pero bakit naisipan pa nung Rebecca na yun na magpa meeting! At ang Ken naman ay pumayag din! Ngayon ko na nga lang maalagaan si Oslo dahil kakauwi lang nila Mommy kahapon. Balik bahay na ulit itong bata at ngayon, namomroblema ako kung anong gagawin ko..
"Meeting lang naman iyon with Rebecca at Ken. Eh kung dalhin ko na lang kaya si Oslo?" bulong ko habang nakatingin sa bata..
Wala akong choice. Kailangan kong pumunta sa meeting. Kailangan ko ring alagaan si Oslo. So dinala ko ito. Papasok kami ng restaurant na tinext ni Ken.. Nauna na ito doon at ako na lang yata ang inaantay. Habang tulak tulak ko ang stroller ni Oslo ay nagmamadali akong naglakad papunta sa kanila.. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Ken at ang reaksyon nito ng makitang sinama ko si Oslo. Kunot noo akong napatingin kay Rebecca ng mapansin kong tila nagulat din ito ng makita si Oslo na kasalukuyang tulog sa stroller.
Bakit ito nagulat? Siguro dahil inappropriate ang pagdadala ng bata sa isang business meeting? Eh no choice ako! Hindi ko naman pwede tong iwan ng mag-isa.. Bahala na.
Natapos ang meeting sa loob ng isang oras. At buong oras kong napapansin na hindi masyadong nagsasalita itong Rebecca compared sa mga nauna naming meeting na masyado itong bida-bida. Nakakapagtaka. Nauna ng umuwi si Rebecca at naiwan kami ni Ken sa table.
"Ken, napansin mo ba si Rebecca kanina? Yung reactions niya kanina ng makita si Oslo. Parehong pareho kayo ng reaction eh. Yun ang pinagtataka ko. Yung sayo, expected ko na iyon, pero si Rebecca.. Hmmm.. Parang may kakaiba dun. Napansin mo din ba?" tanong ko kay Ken..
"Sino ba naman kasing empleyado ang magdadala mg bata sa meeting.. "
"No choice ako Ken! Walang magbabantay kay Oslo. Hindi ko naman pwedeng iwan yan mag-isa sa bahay! Ni hindi pa nga yan marunong mag saing!"
"Sana ininform mo ako na dadalhin mo si Oslo."
"Nagmamadali na din kasi ako. Sino ba kasing nakaisip na mag meeting ng linggo! Hello! Family day!"
"Anong oras nakasakay sila Mommy at Daddy mo kagabi?"
"8pm na."
"Anong oras ka nakauwi?"
"10pm."
"Kung hindi nagpatawag ng dinner si Daddy sa bahay niya, sana nasundo kita.. Pasesnya na.."
"Ano ka ba! Okay lang. Safe naman akong nakauwi. Oras mo iyon kasama ang Daddy at mga kapatid mo Ken. Ikaw nga ang nagsabi sa akin na walang sayang na oras kapag magulang ang kasama. I'm sure nag-enjoy ka! Tama ba?"
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."