MPD : Sleep

520 39 8
                                    

Ken's POV




11pm na akong umuwi ng bahay. Wala talaga akong balak umuwi ng bahay pero naiwan ko sa room ko yung laptop na kailangan ko para bukas kaya napilitan na akong bumalik. Pagpasok ko ng pinto ay naabutan ko pang gising si Rita. Napatayo ito sa pagkakaupo sa sofa ng makita ako..
















"Ken.. Ken bumalik ka.." lumapit ito sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko ay iniwas ko iyon..













"Ken.."
















"Bahay ko to, bakit hindi ako uuwi. Ikaw ang kailangang umalis dito."













"Ken, bahay natin to. Alam ko babalik ka."















"Bahay ko to. Bahay ko lang to."

















"Ken, bakit? Naguguluhan ako. Ano bang nagawa ko? Sabihin mo sa akin ng hindi ako nag-iisip dito!! Para na akong mababaliw kakaisip ng kasalanan ko Ken!"














"Hindi mo alam ang kasalanan mo hah? papaano ka nakakatulog ng maayos Rita??? Papaano mo nakakayang pakisamahan ako ng parang wala lang??!! Pucha! Plano niyong paalisin ako ng Ka-Vogue??? Para ano? Mapabalik yung lalaki mo sa Ka-Vogue!!!"
umiiling-iling ito at umiiyak.. Ang husay ng arte. Napakahusay. Tama lang na hindi ko binigay ng buo ang tiwala ko sa kanya. Katulad lang siya ng iba. Manggagamit. Para sa sariling interest. Pucha.














"Ken, alam mo naman na yan diba? Alam mong sa umpisa, hindi ka namin gusto sa Ka-Vogue. Pero noon yun Ken!"











"Hindi na ako papayag na paglaruan mo ulit ako Rita. Hindi na ako papayag na muli mong bilugin ang ulo ko.."












"Ken— Anong?—"













"Pucha! Rita! Inamin ng kaibigan mo sa harap ko kung anong plano niyo sa akin , ang plano MO sa akin !!!! Ang paibigin ako at ano?? Na kapag ako na ang hindi sumunod sa sarili kong rule, ako na mismo ang matatanggal ng rule na iyon sa kumpanya hah? Ang galing ! Ang huhusay!!!!"













"Ken! Hindi-Hindi ko ginawa yun Ken.." umiiyak na sabi nito at sinusubukan niyang lumapit sa akin pero umaatras ako. Ayokong lumapit ito sa akin dahil baka hindi ko matantsa ang magagawa ko sa kanya..















Hindi ko matiis na makita ito kaya naglakad na ako papunta sa room ko ng hawakan nito ang kamay ko..













"Naintindihan mo ba yung paliwanag ni Camille? Oh pinapairal mo yang galit mo? Sa tingin mo talaga ay magagawa ko iyon sayo??-"










"Oo! Magagawa mo iyon !!!"















mabilis akong napahawak sa pisngi ko ng sampalin niya ako..


















"Ken! Hindi mo ba talaga naramdamang mahalaga ka sa akin? Akala mo lahat ng ginagawa ko sayo ay hindi totoo? Ken?"














"Wala akong maramdaman."














"Ken naman!"














My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon