Rita's POV
"Rita, huminahon ka nga.. Umupo ka muna.." pakiusap ni Tosh sa akin.. Gustong gusto kong samahan si Camille sa loob ng office ni Ken. Ito na kasi ang next na kinakausap sa loob. Kinakabahan kasi si Camille, sa aming apat kasi ay siya lang ang bago at natatakot siyang baka mapaalis..
"Nakita niyo naman na kabado si Camille diba? Baka mahimatay sa loob yun!!! Tsaka walang karapatan yung Ken na yun na tanggalin si Camille!!! Hello!!! Kahit sino sa atin ay wala siyang karapatang tanggalin!!! Hindi niya tayo kilala, hindi pa niya alam kung gaano tayo kagaling! Subukan lang niyang gumawa ng desisyong baluktot!! Naku ! Makikita niya! Papalayasin ko talaga siya—-!"
"Girl! General Manager natin siya! Hindi mo siya mapapalayas dito!!" sagot ni Iza .. Hindi pa pala nila alam na housemate ko yung lalaking iyon.. Haaays! Sinipat ko ang pinto ng office ni Ken at naglakas loob akong naglakad papasok sa loob..
"Ritaaaaa!!" rinig kong sigaw nila Tosh pero hindi ako lumingon. Diretso lang ako sa pagpasok sa loob...
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay sakto na papalabas si Camille.. Namumula ang mga mata nito at halata ko ang iyak niya.. Mabilis na kumulo ang dugo ko at kinalabog ko ang desk ni Ken. Nagulat ito sa ginawa ko at dinuro ko siya..
"Ikaw! Anong ginawa mo kay Camille hah? Wala kang karapatang magpaalis ng empleyado!!! Dahil bago siya ay ano? papalitan mo ng bagong empleyado galing sa dati mong kumpanya hah??? Alam mo bang hindi lang pangarap ni Camille ang sinira mo? Pati yung buhay niya!!!! Siya ang breadwinner ng pamilya nila! Kapag nawalan siya ng trabaho, mawawalan ng suporta yung nanay niyang kailangan ng mga gamot para sa highblood! Nangungupahan lang sila at baka palayasin sila sa bahay nila kapag nawalan siya ng trabaho!!!" hysterical na sabi ko..
"Hindi pa ikaw ang pinapapasok ko dito. Lumabas ka muna. Tawagin mo si Ms. Iza Escalante.." mahinahong sabi nito. Bakit ganyan siya ka-kalmado? Matapos niyang magpaalis ng empleyado sa kumpanyang ito! Nooooo!
"Hoy! Kinakausap pa kita diba!!!" inis na sabi ko dito.
"Sana narere-call mo yung last rule.."
"Lastly, ayoko ng empleyadong matigas ang ulo.."
Napapikit ako tsaka napahawak sa noo ko. So ako ang possible na next na tatanggalin niya? Noooooo!
"Pero———-" napatigil ako sa pagsasalita ng naglakad ito palapit sa akin. Seryoso parin ang aura nito habang papalapit sa akin...
"Hindi ka ba talaga marunong huminahon?" tanong nito habang papalapit parin sa akin. Unti-unti naman akong napapaatras hanggang sa mapasandal ako sa isa pang desk.. Mabuti na lang at naalalayan ko yung golden globe na design dito sa loob ng office na nakapatong sa desk na nasandalan ko..
"Kaya ko naman. Pero simula ng ginulo mo ang buhay ko at umepal ka sa bahay ko, nakakalimutan ko ng huminahon!! Sakit ka sa ulo!! Alam mo ba iyon?!!!'" inis na sabi ko dito.. Napansin kong napangiti ito at mas nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko kaya nanlaki ang mata ko..
"Okay. Ireremind lang kita na matagal-tagal ko pang papasakitin yung ulo mo at guguluhin ang buhay mo.." pang-iinis na sabi nito.. Sa gigil ko ay aambahan ko siyang sampalin pero pinigilan niya ang kamay ko. Hinawakan niya iyon tsaka niya hinalikan!!! WHAT THE HELL!!! HINALIKAN NIYA ANG KAMAY KO!!! ANG KAPAL NG MUKHA NIYA! SINO SIYA PARA PAPULAHIN ANG MUKHA KO! UMAKYAT YATA LAHAT NG DUGO KO SA MUKHA KO!!
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."