Rita's POV
"Oli, kahit dito na lang sa tapat ng bahay na puti. Maglalakad na lang ako papunta sa bahay.." sabi ko dito. Ang totoo ay ang tinutukoy kong puting bahay ay totoong bahay ko talaga kung saan nakatira din si Ken. Hindi ko lang sinabi sa kanya ang totoo dahil baka malaman niya. Mabuti naman at mukhang naniwala si Oli at ibinaba na nga niya ako doon.
"Sigurado ka? Okay ka na dito?"
"Oo! Salamat sa paghatid hah! Naabala pa tuloy kita!"
"Wala iyon!" sabi nito at ngumiti. Grabeng ngiti naman ito. Parang feeling ko di ko na kailangang kumain ng breakfast bukas. haaays..
"Ano ka ba! Ang dami mo ng tinulong sa team ko. Hindi magiging posible ang photoshoot kanina kundi dahil sayo. Salamat talaga!"
"Masaya akong nakatulong. Tsaka kahit hindi ko na kayo hawak, handa parin akong i-guide at tulungan kayo. Kailangan kayo ng kumpanya at hindi ako papayag na mapalitan kayo ng mga baguhan. Hindi ko papayagan si Ken kahit pa siya ang nasa posisyon."
"Alam mo, mas bagay sayo yung swivel chair sa dati mong office.." natatawang sabi ko dito.
"Miss mo na bang mapagalitan dahil sa mga biglaang pa-report ko sayo?" nakangiting tanong nito.
"Sobra!"
"Mababalik din ang lahat sa dati. Alam ko."
"Sana nga."
"Okay, I have to go. Good night Rita.. And congrats sa project mong malapit ng matapos.."
"Thank you! Good Night Oli." nakangiting sabi ko dito. Pag-alis ng kotse niya ay nakatingin ako sa side mirror niya at nakita kong nakatingin din siya dito. Nag wave ito kaya kumaway ako habang papaalis siya.
Pagpasok ko ng bahay ay nakabukas pa ang ilaw sa sala. Naabutan ko si Ken na nakaupo sa sofa at seryosong nanonood sa tv. Mabilis akong lumapit kay Oslo na kasalukuyang natutulog sa crib.
"Hello Oslo. Very good naman yan. Ang himbing na ng tulog.." pag babby talk ko sa bata. Napansin kong tumayo si Ken kaya umayos ako ng tindig. Akmang magpapasalamat sana ako dito ng lumapit ito sa akin at seryosong iniabot sa akin ang feeding bottle ni Oslo. Wala itong iniwang kahit na anong salita. Tumalikod ito at dumiretso sa loob ng kwarto niya.
Nagpasya akong ipasok na sa kwarto si Oslo. Lumabas ako tsaka ako kumatok sa kwarto ni Ken.
"Ken.." mga ilang segundo yata akong naghintay bago niya buksan ang room niya. Pagbukas nito ay poker face parin ito tulad kanina. Pero believe me, ang gwapo gwapo niya sa paningin ko ngayon. Ganito siguro ang nagagawa ng may malaking kasalanan sa tao. Hindi ko sinabi sa kanya na galing ako sa photoshoot. Gusto ko kasi silang gulatin na matatapos namin ang project on time. Competitive kaya ako! Tingnan na lang natin..
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."