Rita's POV
Kinabukasan, maaga akong gumising para pumasok sa Ka-Vogue. Aminado akong hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa eksena na nangyari kagabi. Tulad ng ibang araw, walang Ken Chan ang umuwi ng bahay. Baka natauhan na at lumipat na ng bahay.
Dapat ay nakakaramdam ako ng saya ngayon dahil finally, ako na lang ang nagmamay-ari ng bahay.. Pero bakit ganito, wala akong maramdaman kahit katiting na tuwa.. Wala..
Maaga din akong pumasok sa office ngayon at ganoon din ang team ko.Gustong-gusto kong sarilinin ang problema pero ang mga kaibigan kong ito ay eyebags ko palang, alam na nilang umiyak na naman ako..
Always thankful ako na may mga kaibigan akong tulad nila. Yung mga tao na napagkakatiwalaan ko ng mga sikreto at problema ko sa buhay.
Nagkukumpulan kami sa Pantry ngayon dahil may ipapatikim si Tosh na bagong kape na padala ng Mama niya..
"Oh, ito? Pwede na yung ganito kadami or dagdagan ko pa?" tanong ni Tosh sa akin. Inip akong nakatayo sa likod nito at sinisipat ko ang pinapakita nitong mug na may lamang mainit na tubig..
"Sige ok na ya——"
"Good Morning Sir Ken.." rinig kong sabi ng ilang staffs na nasa hallway.. Pinakiramdaman ko ang pagdaan nito sa likuran ko. At hindi nga ako nagkamali, si Ken nga. Narinig kong bumati din sila Tosh sa pagdaan nito pero wala akong narinig na tugon nito. Kahit hindi ko ito nilingon ay nararamdaman kong seryoso lang itong naglakad papunta sa office niya.
Wala pang limang minuto ng makapasok ito sa office niya ay nagmamadaling tumakbo ang secretary nito papunta sa Pantry..
"Guys, may general meeting by 8:15 sa conference room.." sabi nito kaya mabilis kaming nagsibalikan sa kanya kanya naming department para makapaghanda..
Wala na, hindi ko manlang natikman yung kape..
Buong meeting, hindi ako nagsasalita kung hindi ako tinatanong o kinakausap.. Buong meeting , hindi ko siya nililingon kahit pa siya na ang nagsasalita.. Nakatitig lang ako sa journal na dala ko at tanging panrinig at kamay ko lang sa pag take down notes ang kumikilos sa meeting na ito. Ayoko siyang makita o matingnan manlang. Galit ako. Galit ako.
Bukod sa mga pansariling problema ko, dumagdag pa tong problema ko sa ungas na iyon. Hindi ko dapat to pinoproblema pero hindi ko maiwasang hindi mag-isip.
Nakailang buntong-hininga yata ako habang inip na nag-hihintay ng 5pm para makauwi. Wala talaga sa office ang utak ko at para itong naglalakbay.
"Rita! Ano? Sabay ka na sa aming umuwi?" pag-aya ni Iza sa akin pero umiling ako. May kailangan pa kasi akong daanan bago makauwi. Pagpatak ng 5pm, nagmadali na akong mag out at pumara ako ng taxi...
Pagpasok ko ng simbahan ay mabilis na pumatak ang mga luha kong hindi maubos-ubos tsaka taimtim na pinagdasal ang nagpatong-patong ko ng problema..
Matapos ang mataimtim na pagdarasal ay nagsindi ako ng kandila sa likurang bahagi ng simbahan.. Pagkakuha ko ng tatlong kandila ay mabilis akong dumukot ng barya sa bulsa ko.. Pero wala akong makapa.. Ano ba, nagmamadali na nga akong umuwi, kailangan ko ng magtirik ng kandila.. tapos wala pa akong pang donate para sa kandila. Baka akalain nila nagnakaw pa ako ng kandila. Tss.. Dudukot na sana ako ng buong pera ko ng may lumapit na bata sa akin na may dalang sampaguita.. Nakagiti itong nakatingin sa akin sabay abot sa akin ang hawak niyang mga sampaguita.
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."