MPD : Breakfast

462 34 4
                                    

Rita's POV






Maayos naman akong nakatulog kagabi kahit na natulog akong masama ang loob. Wala naman kasi akong narinig na ingay mula sa kabilang kwarto kaya mahimbing akong nakatulog. Naligo at magbihis na ako bago lumabas ng kwarto para magluto ng breakfast.. Pagpasok ko ng kusina ay nakita ko ang nakatopless na si Ken na nasa harapan ng kalan. Nagluluto yata ito..















Ang aga naman yatang nagising nito?











"Nandito ka parin? Bakit hindi ka pa lumayas?" bungad na tanong ko dito. Napalingon ito sa akin at ngumiti. Pucha. Bakit ganyan yung mga ngiti niyan? Nakakalunod.












"Oh? Nakatulog ka ba ng maayos? Walang ingay kagabi hah.." sabi nito kaya inirapan ko siya.












"Ano ba yang niluluto mo hah? Mag apron ka nga! Wala ka pang suot na damit! Baka malagyan ng pawis mo yung niluluto mo hah! Eeew.."










"Kakain ka ba ng luto ko?" tanong nito.









"Hindi ako magsasayang ng gastos at pagkain. No choice ako." sagot ko dito.










"Gumawa ka na ng kape para makakain na tayo. May meeting ang buong team mo with me mamaya by 8:30am . Bawal ma-late."












"May meeting? Hindi naman kami na-inform kahapon hah?"










"Hindi naman kailangan na iinform pa kayo. Nasa office naman kayong lahat so madali na lang iyon. Sinabi ko lang sayo ngayon." tiningnan ko ito habang nilalapag ang niluto nito sa lamesa. Inilagay ko sa harap niya yung kape niya..










"Nagulat ako na Editor ka pala ng Ka-Vogue." sabi nito ng magsimula na siyang kumain.










"Bakit? Ano ba sa tingin mo yung trabaho ko?" inis na tanong ko dito.









"Sales Agent? Barker? Maingay ka kasi."











"Duuuuuh! Eh ikaw nga nagulat ako, nagtatrabaho ka pala.. Akala ko joke lang yung pagsusuot mo ng office attire.. Pang-attract mo lang sa mga babae.."









"Wow hah? May suot man ako or wala, attractive ako sa mata ng lahat ng babae.." mabilis akong umiling at sumenyas ng hindi totoo ang sinabi niya.








"Huwag mong lahatin ang mga babae Mister! May mga babae parin namang matino ang pag-iisip at hindi basta-basta na-aattract sa womanizer.."








"Thanks for that title "Womanizer" I felt honored." seryosong sabi nito kaya inirapan lo muli ito..









"Hindi ko parin matanggap na pinalitan mo si Oli sa position niya. Ang sama mo. Alam mo ba iyon?" inis na sabi ko dito.








"Oliver doesn't deserve his position." seryosong sabi nito.









"No! Magaling na GM si Oli! sa Limang taon ko sa Ka-Vogue, wala siyang ibang ginawa kundi ang masiguro ang success ng bawat Magazine na nilalabas namin! Mahusay siya!"










"Sorry for him. Ako na ang nasa position niya."











"Sana mapantayan mo manlang ang galing ni Oli." inis na sabi ko dito.








My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon