Ken's POV
"Ano yan? Teka? Isang pulubi ang naglapag kay Oslo sa ilalim ng kotse? Papaano? Teka—- A-anak siya ng pulubi?" natatarantang sabi ni Rita..
"Paano nakapasok ang isang pulubi sa village???" nagtatakang tanong ko.
"Okay. Guys. Kalma. Hindi malinaw eh. Base sa video, isang gusgusing pulubi ang may dalang malinis na bata at mamahaling baby bag.. May mali eh.."
"Ninakaw ng pulubi si Oslo? Tapos dahil iyak ng iyak, nilapag na lang niya sa ilalim ng kotse ni Ken dahil nabwisit siya?" hula ni Rita.
"Or hindi kaya, napulot lang din ng pulubi si Oslo at nilagay sa ilalim ng kotse ko dahil naisip niyang di niya kayang magpalaki ng bata?" hula ko naman. Sabay kaming napatingin kay Feliciano ng tumawa ito ng malakas kaya mabilis naming nilapitan ito at tinakpan ang bibig dahil baka magising ang natutulog na si Oslo dahil sa lakas ng pagtawa nito.
"Ano ba Feliciano! bigla bigla kang tumatawa diyan!!" inis na sabi ko dito..
"Sorry. Natatawa kasi ako sa mga hula niyo.." natatawa paring sabi nito..
"Sisikat na yung araw, umuwi ka na Attorney, wala tayong mapapala sa video na nakuha niyo.." iritang sabi ni Rita..
"Pero kapag nakuha pa natin ang ibang video sa iba pang bahagi ng village, baka mas luminaw.. Promise, gagawin ko ang makakaya ko para makatulong.."
"Com'on Dude! Umuwi ka na nga, nagiging pang telenovela na mga linyahan mo.."
"Oo na! Ng makatulog na kayong dalawa! Or hmmm Linggo naman bukas, baka naman pwede tayong mag inuman.."
"Subukan niyo. Lilipad tong laptop sa pagmumukha niyo.." inis na sabi ni Rita kaya natawa kami..
"Joke lang!! Haha. Sige na. I need to go.. "
"Basta Attorney, salamat sa tulong hah!" pahabol na sabi ni Rita kaya napatingin ako dito.. Pag-alis ni Feliciano ay lumapit ako kay Rita..
"Ibalik mo yung laptop ko sa kwarto. Dali." utos ko dito. Hindi naman ito pumalag pa. Inaantok na siguro kaya sinunod niya ang utos ko. Sumunod ito sa akin papasok ng kwarto ko at inilapag nito ang laptop sa side table..
Lalabas na sana ito ng mag-salita ako..
"Gusto ko ng tuna sandwich bukas for my breakfast.."
"Manigas ka!!!"
"Matigas na!"
"Bwisit ka talaga kahit kailan!!!" inis na sabi nito sabay kuha ng unan na nakapatong sa sofa ko at hinagis sa akin. Tawang-tawa ako habang nililisan nito ang kwarto ko. Hindi niya kayang sumigaw ng malakas dahil tulog na si Oslo at di niya kayang ibagsak ang pinto ng kwarto ko ..
Rita's POV
Nakaready na ang breakfast ng 7am. Kaya nagka oras pa ako para mag work out ngayon. Nilabas ko din ang crib sa may garden para mabantayan ko parin si Oslo habang nag wowork out ako. Isang kilo ang dumagdag sa akin dahil sa stress eating na ginagawa ko dahil sa problema ko dito sa bahay. Hindi mawala sa isip ko yung presentation na gagawin ko kay Ken at yung dumagdag pang presentation na gagawin ko daw para kay Rebecca.
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."