Rita's POV
Monday ngayon. Maaga akong gumising para maghanda ng breakfast namin. Good timing ang pagluluto ko dahil tulog pa si Oslo. Nakangiti ako habang binibilang ko yung itlog na natitira sa stock namin..
"Ano bang luto ng itlog ang gagawin ko—-hmmm—-ay syet!! Ken! Multo ka ba hah! Bigla ka na lang sumusulpot talaga!"
"What's this! Hah?! Nag file ka ng 15 days leave sa Ka-Vogue?!!! Noong isang linggo lang, nakikiusap ka sa akin na i-extend ko ang deadline ng project niyo then now mag leleave ka ng 15 days? So papaano mo matatapos ang project on time hah?"
"Sa HR ko yan pinasa. Aprubado naman na ni Sir Greg yan.. Mas mataas parin ang position ni Sir Greg bilang siya naman ang Presidente at General Manager ka lang so walang mali sa pag file ko ng leave..."
"Bakit ka nag leave?"
"Nabasa mo naman yung reason ko diba?"
"Emergency. Hah? Or dahil sa bata na yun?"
"Oslo ang pangalan niya, hindi bata." inis na sabi ko.
"Sisirain mo ang trabaho mo for that baby?" ayoko ng tono ng pananalita ni Ken. Naiinis ako.
"Walang trabahong masisira. And choice ko ito. Wala kang pakialam doon. Kung ayaw mong tumulong sa paghahanap sa magulang ni Oslo, naiintindihan ko. Pero wag mo na lang akong pakialaman sa desisyon ko.. at Baka nakakalimutan mong rights ng isang empleyado ang mag file ng leave!"
"Binabawi ko na ang 14 days extension sa deadline ng project niyo. Makikipag meeting ako sa team mo mamaya. Meron na lang kayong 3 weeks for that project.." seryosong sabi nito tsaka siya muling pumasok sa kwarto niya. Nasapo ko ang noo ko dahil binigyan na naman niya ako ng problema.
Actually, kahapon pa ako nakapag decide na mag leave muna dahil walang mag-aalaga kay Oslo. Nahihirapan akong mahanap ang mga magulang niya. Masyado pang strict ang barangay hall namin dito dahil ayaw nilang magbigay ng CCTV copy sa akin ng araw kung kailan namin nakita si Oslo. Hindi ko kasi sinasabi sa kanila ang totoong dahilan kung bakit gusto kong makahingi ng kopya ng videos. Gusto kong makita kung sino yung naglagay kay Oslo sa ilalim ng kotse ni Ken. Naglista na ako ng ilang motibo pero hindi din ako sigurado kung ano ba talaga ang totoo. Naaawa ako sa bata. Sa liit niyang ito, dapat ay kasama niya ang mga magulang niya pero hindi.. Bata pa lang siya ay ulila na. Gusto kong punan ang pangungulila ni Oslo sa mga magulang niya. Handa akong mahalin ang batang ito..
Hindi na ako magtataka sa reaksyon ni Ken sa leave ko. Sisiguraduhin ko naman na magtatrabaho parin ako dito sa bahay eh. I have my laptop naman and complete files..
"Hello, this is Rita Daniela, yung tumawag sa inyo kahapon regarding sa copy ng CCTV—-"
"Maam, hindi po talaga kami nagbibigay basta-basta ng videos. Mag request na lang po kayo through letter and give us a valid reason. I-rereview pa po yun sa office and baka matagalan pa.."
"Pero importante—"
"Sorry Maam, magsend na lang po kayo ng request letter. Thank you.."
Inis kong binaba ang telepono dahil pinagbagsakan na ako ng kausap ko sa kabilang linya.. Ang hirap. Ang hirap kumuha ng informations.. Actually, na s-stress na ako. Pero kapag nakita ko yung mukha ni Oslo, mabilis niyang binabago ang mood ko..
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."