Rita's POV
"Oy, kanina pa ako nagsasalita dito.. Parang wala naman akong kausap.." rinig ko ng sabi ni Ken sa tabi ko habang nagmamaneho ito. After kasi ng meeting namin with Sir August ay hindi ko na siya kinikibo. Papaano ba naman, sa buong meeting, panay si Rebecca lang yung topic nila. Kanina pa ako naririndi at panay ngiti at tango lang ako kahit iritang-irita na ako.
"Ano ba!" inis na sabi ko dito ng sundot-sundutin nito yung pisngi ko gamit ang daliri niya..
"Kausapin mo na ako!"
"Gusto mo ng kausap? Edi tawagan mo si Rebecca!" mataray na sabi ko dito.. Nagulat ako ng ilabas nga nito ang phone niya at tila nag dial ng numero.. Bigla kong inagaw yung phone nito.
"Hey! Bakit mo kinuha?"
"At talagang tatawagan mo hah?" iritang sabi ko dito at tumawa ang walanghiya.
"Namumula na yung mukha mo sa sobrang inis Rita. Ang sarap sanang isiping nagseselos ka.."
"No ! I'm not! Kinuha ko tong phone mo dahil nagdadrive ka at baka mabangga tayo! Dial ka ng dial diyan! Atat na may makausap. Tss.."
Irita akong nakatingin sa mukha nitong nakangiti ngayon. The hell, pinagtatawanan niya ba ako?
"Wag mong isipin na nagseselos ako, bakit naman ako magseselos? Boyfriend ba kita??" matapang na sabi ko dito.
"Oo! Pero pwede ding Tito mo." pang-aasar nito.
"Feeling to! Anong oo??? Hindi mo pa nga ako nililigawan!!! Hmp.."
"Mamaya."
"Anong mamaya?"
"Basta!"
"Ken Chan!!" naiirita ako sa paisa-isang salita nito at kailangan ko pang pag-isipan ng mabuti para lang maintindihan yun. Hay naku. At ang walanghiya ay nakangiti lang.
Huminto kami sa isang sikat na restaurant dito sa Taguig. Pagkahinto niya ng kotse ay mabilis niyang tinanggal ang seatbelt niya. Akmang lalabas na ito ng kotse ay pinigilan ko siya.
"Anong gagawin natin dito? Don't tell me dito mo ako i-de-date?"
"Makikiihi lang ako sa loob Rita.." nawala yung excitement ko sa sinabi nito. Pero ang gago ay biglang tumawa.
"Joke lang! Ano ka ba! Sabi ko naman sayo diba, mamaya, uumpisahan ko ng manligaw. So andito na tayo. First date? Maybe hindi. Remember Wolfgang Steakhouse? I considered that as our first date." Ah, talaga ba Ken Chan? O playtime lang to?
"Sigurado ka Ken? Papaano yung rule?" malungkot na sabi ko dito. Sumeryoso ito ng tingin sa akin at naramdaman kong napabuga ito ng hangin sabay iwas ng tingin sa akin.
"Wala naman tayo sa Ka-Vogue ngayon hah?" biglang sabi nito.
"Pero Ken—"
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."