MPD : Tutorial

316 30 4
                                    

Rita's POV





At dahil linggo ngayon, maaga akong gumising. Pagtayo ko sa kama ay mahimbing paring natutulog si Olso. Automatic na napapangiti ako kapag nakikita ko yung payapang mukha mg baby na ito..









Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para maghanda ng breakfast. Naabutan ko si Ken na gumagawa ng sarili niyang kape. Naka topless ito at tanging jogger pants lang niyang kulay gray ang suot niya.. Pasimple akong umiwas ng tingin at lumunok ng laway.. Para akong natutuyuan ng lalamunan sa view na pinapakita ng Tsinoy na ito..










"Good Morning." nagulat ako ng marinig ko iyon mula sa bibig niya.. Lumapit ako sa kanya at pasimple kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya at sinipat-sipat ko ang bawat pores niya sa mukha..





"Hindi ba ako nananaginip? Ikaw ba yan? Ken Chan? Tama ba yung narinig ko? Good Morning? Ikaw yung nagsalita diba? Imposible namang si Olso yun.."









"Baliw." rinig kong sabi nito kaya inirapan ko siya tsaka ako kumuha ng isa pang cup para makapag kape na rin..









"Anong balak mo sa bata?" tanong nito habang inuubos ang  mainit na pandesal..









"I don't know. Hmm. Handa naman akong alagaan muna si Oslo hanggat hinahanap ko yung mga magulang niya at kung malaman kong safe ba talaga yung totoong magulang niya.."









"Hindi mo naman trabaho ang maghanap ng mga magulang ng batang iyan. May mga trabaho kang dapat unahin.. "





"Hindi naman makakagulo sa trabaho ko sa Ka-Vogue ang paghahanap ko sa mga magulang ni Oslo.. Sisiw lang sa akin ang time management.." kampanteng sagot ko..








"Bahala ka, tingnan mo.. bukas makalawa, susukuan mo na yang batang iyan.." sabi nito kaya inirapan ko siya at inubos ko na lang yung kinakain ko. Ayokong makipag argumento sa lalaking ito. Ang ganda nga ng gising ko dahil nakita ko yung payapang mukha ni Oslo pero yung toyo naman ng lalaking ito ang nagpabago sa mood ko. Haaays.














Nilabas ko sa living room ang crib ni Oslo para mabantayan ko siya habang may ineedit ako para sa project namin and the same time is naghahanap ako ng way para mapadali ang paghahanap ko sa mga magulang ni Oslo.. Sinasabay ko na din ang panonood ng ilang tutorials sa youtube about sa pag-aalaga ng bata.









"Grabe, ganun pala yun? Mas mahirap pa to keysa sa pakikipagtalakan sa mainiting ulo na boss eh.." bulong ko habang nanonood ng videos sa youtube.. Ngumingiwi na yung face ko kapag nakakakita ako ng measurements o anong klaseng numero pa yan eh.. May mga pagkain na pala siyang pwedeng kainin bukod sa gatas.. Pero hindi din sko sigurado kung 5 or 6 or 7 months na si Oslo. Hays..









Habang nagbabasa ako ng parenting books, bigla na lang ako nakaisip ng idea. Kung nahihirapan akong magsearch at manood ng tutorials, pwede naman alo magpatulong kay Mommy.. Tama!








Mabilis kong inabot ang phone ko para tawagan si Mommy na nasa province ngayon. Halos isang taon na din magmula ng huling uwi ko sa Province ..








Pero nakakailang ring pa lang ako ay pinatay lo agad dahil biglang pumasok sa isip ko na malalaman ni Mommy na may alaga akong baby dito sa Manila. Baka pauwiin na naman ako nun sa Cebu dahil dito.. Haaays. Mali. Maling naisip ko iyon. Hindi dapat malaman ni Mommy ang tungkol kay Oslo. Baka talakan ako nun. Kabisado ko ang Mommy ko. At alam kong pareho sila ni Ken kung paano mag-isip.. Kaya hindi din kami lagi nagkakasundo ni Mommy. Ang daming nagsasabi na Perfect daughter daw ako. Kasi never ko pang nadissappoint ang mga magulang ko.. Yeah. Never. Pero nakaka pressure na to the point na natatakot na akong gumawa ng mali. Nakakatakot. 











My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon