Ken's POV
Pagpasok ko sa bahay ay naabutan kong umiiyak si Oslo na nasa loob ng crib nito. Hinanap ko si Rita sa kusina at sa kwarto pero wala siya doon.
Wth? Hindi pa siya umuuwi mula pa kanina? 2pm ay umalis na ito ng office kaya I expected na nakauwi na ito kanina pa. Iniwan niyang mag-isa si Oslo dito sa bahay????
Kahit hindi ako marunong magbuhat ng bata ay binuhat ko si Oslo para tumigil na ito sa pag-iyak.. Hinele ko na ito para kahit papaano ay tumahan na.
"Iho— ay sorry.. Nagising na ba si Oslo? Iniwan ko lang saglit si Oslo kasi dumating na yung asawa ko sa kabila.. Payapa tong tulog pag-alis ko, di ko namalayan na umiyak na.." Yung Lola sa katabi ng bahay namin ang nag-alaga kay Oslo?
"Kakarating ko lang po Lola, naabutan ko kasi siyang umiiyak kaya binuhat ko na. Wala pa po ba si Rita?"
"Wala pa siya iho.."
"Kayo po ang pinag-alaga ni Rita kay Oslo——-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng dumating na si Rita at mabilis niyang kinuha si Oslo sa akin..
"Ah. Hmmm. Sige na iho, iha.. Uuwi na ako sa bahay.. Magandang gabi sa inyo.."
"Salamat po Lola sa pag-alaga kay Oslo."
"No problem iha.." nakangiting sagot ni Lola tsaka lumabas ng bahay..
Inilapag ni Rita si Oslo sa Crib nito tsaka niya hinila ang crib para ipasok sa kwarto niya ng pigilan ko ito.
"Saan ka ba nanggaling hah? I expected na nakauwi kana dahil maaga kang umalis ng office kanina. Tapos madadatnan kong umiiyak ng mag-isa si Oslo sa crib niya?!"
"Si Lola ang nagbabantay sa kanya—-"
"Si Lola ang pinag-alaga mo kay Oslo para ano? Makapunta sa office at makita si Oliver? Tama ako diba?"
"Ano naman ngayon? May masama ba doon?"
"Nag file ka ng leave para maalagaan si Oslo pero pinaalaga mo lang kay Lola para makipagkita sa lalaki mo.. Ang sulit ng leave mo!"
"First, wala kang pakialam. Second nag volunteer si Lola na mag-alaga kay Oslo, hindi ko siya pinilit. And lastly, hindi lang ikaw ang may karapatang humarot sa bahay na ito. Hinahayaan naman kitang mambabae ah? So bakit parang pagdating yata sa akin, iba na ang tono ng pananalita mo?"
"Wala akong pakialam kung ilang lalaki pa ang kitain mo. Ang sa akin lang, nang-abala ka pa ng oras ng iba para sa sarili mong saya! Nasaan ang sense of responsibility mo for Oslo hah? Pinagmamalaki mo pa naman sa akin iyon!!" saglit na tumahimik si Rita. Walang nagsalita sa aming dalawa matapos kong sabihin iyon. Napansin ko na lang nagpunas ito ng luha niya tsaka niya hinila ang crib papasok sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."