Ken's POV
"Dumaan kaya muna tayong convenient store. Ano bang wine or alak ang iniinom ng Daddy mo?" tanong ko kay Rita habang papunta kami ngayon sa bahay nila. Ngayong gabi kasi magaganap ang sinasabi nitong Dinner.. Dapat relax lang ako pero hindi ko maiwasang kabahan.
"Naku Ken, wag ka ng mag-abala. Bawal uminom ng wine at alak si Dad. Nasabi ko na sayo yung condition ng puso niya diba?" okay, Nakalimutan ko.
"Si Lola? Nasa bahay niyo na ba?"
"Walang reply si Mommy eh. Okay lang yan, nasa kabilang bahay lang naman sila Lola.." napansin kong napatingin si Rita sa akin at bigla itong tumawa.
"What?"
"Don't tell me kinakabahan ka?" tanong nito..
"Ako? Bakit naman ako kakabahan?"
"Aba malay ko! Eh halata sa mukha mo eh! Never pa kitang nakitang kabahan sa mga nakakameeting mo, pero ngayon kita ko na yang kaba mo! Ken! Mabait naman mga magulang ko!"
"Hindi kasi ako sanay kumain na maraming kasama. Sanay akong mag-isa. Siguro kaya ako kinakabahan. Well, tama ka.. I admit, kinakabahan nga ako.."
"Ano ba! Akong bahala! Sagot kita!" nakangiting sabi nito kaya napangiti din ako.. Unit-unting nawala ang kaba ko sa sinabi niyang iyon.. This girl, ang bilis bilis niya talaga akong mapakalma.
Pagdating namin sa bahay nila ay magkasabay kaming pumasok.. Sinalubong kami ng Daddy nito. Niyakap ni Rita ang Daddy niya at bumati naman ako dito..
"Magandang gabi po.." pormal na bati ko dito..
"Magandang gabi din iho, pasok ka.." nagsisimula na naman akong kabahan. Naiwan akong nakaupo sa sofa at inip na inaantay sila Lola at RJ.. Kasama din daw sila ngayon. Ilang minuto lang ay muling bumalik si Rita sa living area galing kusina.. Umupo ito sa tabi ko..
"Okay ka lang?" mapang-asar na tanong nito..
"Stop smiling!"
"Lah! Eh sa gusto kong ngumiti eh!"
"Where's Rj and Lola?"
"Ay wait, tatawagan ko.." tumayo ito at nag dial sa phone niya..
"Rita anak! Sir Ken! Kumain na tayo!" tawag ng Mommy ni Rita kaya napatayo ako..
"Mommy! Sila Lola po ba? Pupunta daw?" tanong ni Rita sa mommy niya.
"Ay, nasabi pala nila kaninang umaga na hindi sila makakapunta dahil may biglaan silang lakad.."
"Kasama si Oslo?" mahinang tanong ko kay Rita habang patungo kami sa Dining area.
"Wala silang nasabi!" pabulong nasagot ni Rita.
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."