Rita's POV
Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin paggising ko. Matapos kong magluto ng breakfast at magplantsa ay nakangiti akong hawak hawak ang paborito kong mug na may lamang mainit na kape. Nakaupo ako sa upuan habang nakatingin sa platong simot ko na. Ang gaan ng feeling ko paggising ko dahil din siguro ay hindi umiyak si Oslo ngayong umaga. Nasa labas ito kasama si RJ ngayon at pinapaarawan.
Napatingin ako pagbukas ng pinto ng kwarto ni Ken na kitang-kita mula sa direksyon ko dito sa loob ng kusina.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang papalapit na Ken Chan. Kakatapos lang nitong maligo at tanging puting towel lang ang nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan nito.
"Lord. Busog na po ako. Bakit may pa breakfast ka ulit na pandesal?" bulong ko sa isip ko ng makita ko muli ang pandesal sa katawan ng lalaking ito..
"Nasaan na ang polo ko?" nagmamadaling tanong nito.
"Hah?"
"Rita! Yung polo ko?"
"Ah- nasa kwarto ko. Hindi ko na nabalik sa kwarto mo kasi biglang nagising si Oslo. Naplantsa ko na din yun——- Hoooy! Kape ko yan!!!" sigaw ko dito ng agawin na naman nito ang iniinom kong kape..
"Masyadong matamis. Gusto mo bang magka diabetes?" sabi nito pagkalapag ng mug ko sa mesa.
"Kahit kailan talaga! Mang-aagaw ka!!! Yung bahay ko tapos itong kape ko naman. Tsss. " iritang sabi ko dito.
"8am sa conference room." sabi nito sabay lakad papunta sa kwarto ko para kunin ang polo nito. Napatingin ako sa relo. 7am palang naman at kung makapaalala naman ito ay parang late na ako. Magbibihis na lang naman ako at ready na akong pumasok.
7:30 am ng matapos akong magbihis. Dala-dala ko na ang shoulder bag ko ng lumabas si Ken sa room nito habang tinutupi ang polo niya.
"Makikisabay ako sayo ngayon." sabi ko dito.
"Hindi pwede." seryosong sabi nito.
"Pwede ba, iisang kumpanya lang naman yung pupuntahan natin eh. Kapalit na lang yun ng pagplantsa ko sa polo mo! Dali na! Bawal ako ma-late diba!"
"Ayoko."
"Please!!!" nakikiusap na sabi ko dito. Napansin kong naka tanggal yung isang butones ng polo nito kaya lumapit ako sa kanya at sinarado ito. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang polo nitong ako ang nag plantsa. Nakaka proud lang na ang ganda ganda ng pagkaka plantsa ko dito, take note, puting polo pa ito.
"Bakit ka nakangiti?" napatingin ako kay Ken at seryoso itong nakatingin sa akin.
"Wa-wala lang. Napaproud lang ako sa sarili ko."
"At bakit naman?"
"Ang ayos-ayos ng pagkakaplantsa ko eh. Diba? "
BINABASA MO ANG
My Perfect Disaster
Fanfiction"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."