MPD: Credit Card

398 36 4
                                    

Rita's POV





6am ang out ko sa office. Dumiretso agad ako sa isang mall dito sa QC. At dahil wala na kaming stocks ng groceries sa bahay ay kailangan ko ng bumili dahil baka gutumin na kami sa mga susunod na araw.. Pagpasok ko sa loob ng supermarket ay kinuha ko na ang pinakamalaking cart. Oo , yung malaki na agad dahil sigurado akong mapupuno ko ito..





Inuna ko ang mga ulam.. Lahat ng klase ng karne ay binili ko na.. Nagtungo na ako sa bilihan ng mga kape dahil hindi ko ito pwedeng makalimutan.. Parte na ng buhay ko ang kape. At dahil hindi ko naman credit card ang gagamitin ko ay magpapaka one day millionaire ako... Binili ko lahat ng mga kailangan muna and after that yung mga mangunguya ko habang magtatrabaho ako.. Totoo, napuno ko ang big cart. Hirap na hirap akong itulak ito pero okay lang, nandito naman na lahat ng kailangan ko..






Pagkabayad ko ay nagpa-assist na lang ako para makasakay ng taxi at mabitbit ang mga pinamili ko.. Wala akong sariling kotse at isa lang akong dakilang commuter. Hindi nga nababagay ang estado ng buhay ko sa bahay na meron ako ngayon. Kahit isang palapag lang ang bahay ko ay napakaganda nito. Sobrang saya ko ng ibigay iyon ni Lolo sa akin.. Kahit ang Mama at Papa ko ay walang nagawa kundi payagan nila akong tumira ng mag-isa dito sa Manila dahil may sarili naman na akong bahay..


Akala ko ay titira nga akong mag-isa pero isang araw bigla na lang gumulo ang mundo ko dahil sa bwisit na lalaking iyon. Bakit ba sa dinami-rami ng pwedeng maging problema ay sa ganoong pangyayari pa? Grabe talaga ako paglaruan ng universe. Galit na galit na yata sa akin ang universe dahil sa kakasisi ko sa kanya sa lahat ng kapalpakang nagagawa ko sa buhay ko..








Paghinto ng taxi sa tapat ng bahay ay ipinababa ko yung mga box at eco bag na punong-puno ng groceries kay kuyang driver.. I gave him tip narin kasi medyo mabibigat talaga yung mga pinamili ko..




Isa-isa kong pinasok sa loob ng gate yung mga box at ecobag.. Aminado akong mabigat ang mga iyon pero no choice ako. Ayoko namang magpapasok ng kung sino kahit sa loob ng gate ng bahay ko. Pagkasarado ko ng gate ay binuksan ko na ang pinto, nang mapansin kong nakabukas ito ay pumasok na lang ako para tawagin yung Tsinoy na iyon para naman may pakinabang siya sa bahay na ito..












Naabutan ko siyang nakahiga sa sala at nanonood ng netflix.. Ang aga naman yata nitong umuwi at himala na walang kasamang babae..









"Hoy! Tulungan mo nga akong ipasok——-"











"Anong ipapasok ko??" biglang hirit nito at inirapan ko agad ito..











"Yung groceries!! Nasa labas! Mabigat! Ilagay mo sa kusina ng may pakinabang ka dito!!"












"This is my house, uutusan mo ako?" sabi nito kaya pinameywangan ko siya..











"Eh ako nga, bahay ko din to pero alam ko ang responsibilities ko bilang may-ari ng bahay. Eh ikaw??? Wala kang katulong dito kaya gumalaw-galaw ka naman!!"















"No."















"Ken!"














"Nine thousand pesos? Ano ba talagang pinagbibili mo? Groceries? Umabot ng 9K?" inis na sabi nito.












"Good for 3 months na yun!! Wag kang OA!" inis na sabi ko dito. Dinukot ko ang credit card niya sabay abot sa kanya..










My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon