MPD : No Way

331 31 2
                                    

Rita's POV








NATARANTA ako pagpasok ko sa opisina dahil naabutan ko si Toshy na umiiyak..












"Hooy! Anong nangyari sayo??" nagtatakang tanong ko.













"Ritaaaa.. Hindi pa nga ako nakakarecover sa pag-angkin mo kay Fafa Oliver tapos magkakaroon na naman ako ng problema huhuhuhu.." lumapit ako dito at hinawakan ko siya sa balikat..








"Teka, ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ko. Sakto at pumasok si Iza at Camille sa office..










"Bakit hindi mapinta yung mukha niyo??" kinakabahan na din ako dahil first time ko yatang makitang sabay-sabay na may malaking problema tong tatlo..











"May malaki tayong problema.." malungkot na sabi ni Iza.










"Ano? Wag niyo naman akong pakabahin!!!" Nagkatinginan sila tsaka sila nagsalita..










"Bali-balita kasi sa labas, magsasara na daw ang Ka-Vogue.."

















NO WAY.












"Hindi magandang biro yan hah! Wag niyo akong i-prank!!! Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho!!! Hindi pwede.." kinakabahan na ako sa sinabi ni Iza.. Please, sana hindi totoo. Sana chismis lang.








"Sana nga biro lang pero Rita, nilalabas na lahat ng gamit ni Oliver sa office niya.." nanlaki ang mata ko kaya mabilis akong lumabas ng office at tumungo sa office ni Oli..











"Huwag niyong gawin yan!!! Tumigil kayo! Hoy ano ba! Bingi ba kayo? Tinatanggal niyo ang gamit ng boss ko?? Hah?? Hoooy!!"













"Rita, tama na .. Rita.." pinipigilan ako nila Tosh habang humaharang ako sa pinto ng office ni Oliver.. Hindi ko hahayaang ituloy nila ang pagtanggal ng mga gamit ni Oliver.. Wala manlang explanations or announcement ng pagsasara? Hell No!!!! Ka-Vogue will always be my home. ITO ANG NAGBIGAY SA AKIN NG TRABAHO AT BUMUBUHAY SA AKIN. ITO ANG DREAM COMPANY KO AT DITO KO NATAGPUAN ANG DREAM JOB KO. Hindi nila pwedeng ipasara ito ng ganun-ganun lang ! Hindi!!









"Rita.. Tama na.. Bumalik na tayo sa office, hayaan mo na lang sila.." pakiusap ni Camille sa akin.













"Anong babalik? Hindi! Hahayaan niyo lang na ganito hah? Masisira na yung kumpanyang bumubuhay sa inyo tapos tikom parin ang bibig niyo????" inis na sigaw ko. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Naiinis ako..













"Dani.. Hayaan mo na sila.." napalingon ako sa paparating na si Oliver..













"Anong nangyayari? Usap-usapan na magsasara na ang Ka-Vogue? Totoo ba? Parang noong isang araw lang ay kinakausap mo pa ako regarding sa trabaho ko and sa isang iglap, mawawalan na kami ng trabaho?!"













"Mamaya na tayo mag-uusap Dani. Bumalik muna kayo sa office niyo.. Hayaan niyo na sila sa gusto nilang gawin.." sabi nito sabay tango sa mga lalaki na naglalabas ng gamit niya sa office nito, signal niya para ituloy na ang pagtatanggal ng mga gamit..














My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon