FIVE: ''Maybe, she's just one of their toys!''
''So, you mean mamayang hapon pa yung game n'yo?'' Tanong ko sa katawagan sa cellphone na si kuya Ark.
''Yes, Meg.'' Aniya mula sa kabilang linya.
''Ano'ng oras naman 'yon?''
''Ala una raw eh.''
''Shit! Ba't ala una pa! Eh ala una din first game namin sa volleyball mamaya eh! Hindi na naman ako makakapanuod sayo!''
Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. ''It's okay, Meg. Patas lang din naman tayo. Hindi rin ako makakapanuod sa game mo.''
First day na ngayon ng Intramurals namin at kasalukuyan akong nandito sa loob ng isang classroom dahil sa isang indoor game na aking sinalihan, ang word factory.
''Tama ka, and swear, miss ko na talagang panuorin kang lumalangoy, kuya!''
Yeah, it's been a long time since the last day I've watched him on one of his swimming competitions. Mga two months pa yata 'yon or three? Halos hindi ko na rin matandaan.
''Haha.'' Marahang pagtawa lang ulit ang kanyang naging pagtugon.
''By the way, nasa'n ka nga pala ngayon at ano'ng ginagawa mo?'' Patuloy ko lang sa pakikipagkwentuhan sa kanya.
Tahimik na binilang ko sa aking isipan ang mga salitang nailista ko na sa aking papel dito sa word factory. Halos naka-15 words na ako. Sinilip ko naman ang timer at nakakalahating upos pa lamang iyon kaya sa tantiya ko ay mga isang minuto pa ang natitira kaya dumagdag pa ulit ako ng mga words na nahagip ko.
''Nandito pa rin ako ngayon sa pool area. Naghahanda pa rin sa practice mayamaya.'' Ani kuya.
Tumango-tango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.
''Uy, Meg, nandito ka pala!''
Napalingon ako sa nagsalitang kapapasok lang nitong classroom. Si Trakes at nasa likod si Butch.
''Yes, why? And what are you two doing here?'' Nakataas kilay kong tanong sa dalawa.
''Who's that, Megan?'' Kuya Arkadee interrupted.
''Trakes and Butch, kuya.'' Sagot ko agad sa aking kapatid.
''Wala lang. Nagliliwaliw.'' Prenteng sagot naman ni Butch sa akin saka tuluyan silang lumapit dito sa likuran ko.
''Mr. Trakes and Mr. Butch Ignacio, you're not allowed to be here. See? Naglalaro pa yung players.'' Saway naman bigla ni Teacher Leslie sa kanila. Ang in-charge ngayon sa word factory.
''Cher naman. Hayaan n'yo na po kami, susuportahan lang namin si Megan eh!'' Pagdadahilan naman ng napakagaling(sarcasm) na si Trakes.
''Sige na, kuya, bye na muna sa ngayon. Nandito na naman kasi yung dalawang asungot.'' Paalam ko na kay kuya sa kabilang linya saka madali nang tinapos ang tawag.
''Oo nga naman, Cher! Sige na po. Blooming naman po kayo ngayong araw eh kaya 'wag n'yo na po kaming paalisin dito.'' Sabat pa ng isang magaling na si Butch.
''Talaga?'' Parang bigla namang natuwa ang guro.
''Ay sus, oo naman, Cher! Ang ganda-ganda n'yo nga po ngayon eh!'' Sakay pa ni Trakes.
I just rolled my eyes at the back of my head. Nasabi ko na rin bang napakagaling ding mambola ng mga kababaihan 'yang magkapatid na 'yan? Well now, I guess you got it already!
Instead na pansinin pa ang mga ito, itinuon ko na lamang sa laro ang aking atensyon.
Mayamaya pa ay napansin ko na lamang ang pag-upo ng dalawa sa chairs sa tabi ng Grade 10 na kasalukuyan kong kalaban na si Gemma.
BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
TeenfikceMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...